02
"So anong nangyari?" bungad ni Betty pagpasok ko sa bangko. Malapad ang ngiti niya at sinundan ako papunta sa mesa ko.
"Wala man lang bang 'good morning' mula sa 'yo?"
Humagikhik siya. "May picture ba kayong dalawa? Anong kinain niyo? Masaya ba siya kasama? Sabi ko naman sa 'yo gwapo, eh!"
Tumingin ako sa kanya. "Betty, one time lang 'yun. Hindi na masusundan pa." Dumaan ang guard kaya sabay namin siyang binati.
Sumimangot si Betty. "Bakit naman? Hindi ba maganda ang nangyari?"
Kinagat ko ang loob ng pisngi para pigilan ang mapangiti. "Maganda naman..."
"Talaga?" Tumawa siya. "Hindi ba niya hiningi ang number mo?"
Umiling ako.
"Ano?! Bakit naman? Sayang iyon, ah."
"Betty, baka nakalimutan mo na may boyfriend ako," paalala ko.
"Yeah, alam ko. Pero kahit picture, wala? Paano mo mapapaselos si Tom niyan?"
Bumuntong-hininga ako at nilinis ang mga dokumento sa mesa. Nakabuntot pa rin si Betty sa akin kahit ilang minuto ay magbubukas na kami.
"Sobrang childish nun, Betty. 'Tsaka ayokong dagdagan ang stress ni Tom. Exam week nila ngayon, baka maka-istorbo pa ako." Hinarap ko siya. "I had a great time. Iyon lang."
Bumusangot ang mukha niya. "Sana pala ako na lang ang nakipag-date."
Mahina akong tumawa. "Sana ikaw na nga lang. Baka magkasundo pa kayong dalawa."
"Ang pogi pa naman nun."
My heart pounded when I remembered Stephen Vattiera's angelic smile. Kahit pilit ko mang dini-distract ang sarili, paulit-ulit kong binabalikan ang mga nangyari sa date kahapon.
Okay, halata naman na attracted ako sa kanya. Kasi pogi siya. Pero hanggang dun na lang 'yun. Masaya rin siyang kausap at pwede ko siyang maging kaibigan. Pero hindi talaga pwede.
Magsisinungaling ako kung sasabihin ko na hindi ko man lang inisip ang pwedeng mangyari kung binigay ko ang number niya. Pero mali. Mali talaga.
"Mauna na ako," paalam ko sa mga katrabaho pagsapit ng ala singko. Inayos ko na ang mga gamit ko sa bag.
"Himala at hindi ka mag-oovertime," tugon ng isang katrabaho.
"Susunduin kasi ako ni Tom." Napangiti ako.
Betty looked at me. "Talaga? Iyan ang himala."
Napailing ako at mahinang natawa. "Lulubusin ko na kasi minsan lang kami magkikita." Tumingin ako sa cellphone ngunit wala pang text galing kay Tom.
"Mahirap bang may ka-relasyon na magdodoktor?" tanong pa ng katabi kong teller.
"Mahirap. Walang time palagi," malungkot kong amin. "Pero ayoko naman kasing magreklamo sa kanya."
"So ayos lang sa 'yo na hindi manghingi ng oras? Palaging ikaw na lang ang maghihintay?"
I simple nodded. "Ganun talaga." Pilit kong tinago ang malungkot na tono sa boses ko.
Betty chuckled. "Kung mahal ka niya, magkakaroon siya ng time sa 'yo."
"Kaya nga magkikita kami ngayon, kasi may time na siya sa 'kin," I replied.
Natawa si Betty ngunit hindi ko na pinansin. Sa lahat ng katrabaho ko, sa kanya ako mas malapit. Kaya alam niya iyong tungkol sa mga hinala ko kay Tom. I knew what she wanted to imply, but I did not want to think about it.

BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomanceMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...