11
Natutulog ang lahat sa biyahe at doon lang natahimik si Sophie. Kami lang ni Stephen, na nagda-drive ang gising. Mga 20 minutes pa siguro bago kami makarating sa Tagaytay.
Sabi nila, convention daw ito ng mga law student. Hindi ko alam kung tama ba na sumama ako pero sabi naman ni Joshua na hindi raw ito pormal na okasyon. It's just an annual party where law students from the whole country would gather and have fun. May mga nakikisali rin na gustong maki-party.
"Inaantok ka na?" tanong ni Stephen at saglit akong tiningnan mula sa front mirror.
"Hindi naman. Ikaw ba?"
"Hindi rin."
I gave him a small smile before I looked outside the window. Mula sa rearview mirror, nakita ko sina Joshua at Sophie sa likuran ng inuupuan ko na natutulog. Sophie was resting her head on his chest. Napangiti ako dahil ang cute nila.
"Mabuti naman at sumama ka," aniya.
"Oo nga, eh. Kinabahan nga ako kasi baka huli na ang lahat."
Napansin ko ang maliit niyang pagngiti. "Hihintayin naman talaga kita, Mayumi. May kutob kasi ako na sasama ka."
Hindi ko alam kung bakit tumalon ang puso ko. Sumisikip ito at parang hindi ako makahinga. Stephen is too straightforward that it makes me nervous.
Baka ano pa ang masabi niya.
Baka ano pa ang mangyari.
Baka hindi ko kayanin.
"Masyado ka namang confident," I joked. Inihilig ko ang ulo sa salamin ng bintana.
Mahina siyang natawa at hindi na ulit nagsalita pa, ngunit nanatili ang kanyang maliit na ngiti. It made his pale face looked bright. At gustong-gusto ko kapag nakangiti siya.
When we reached the private resort in Tagaytay, I saw a huge crowd. Malakas ang hangin at malamig. Nakakatakot din tingnan ang dagat sa dilim. Malakas ang tugtog at kahit saan ay puro alak ang nakikita ko.
It was overwhelming.
Natatakot ako.
Ngayon lang ulit ako nasa iisang lugar kasama ang napakaraming tao na hindi ko naman kilala. It was uncomfortable and new. It was making me homesick.
Para yatang lumabo ang mga mata ko. Hindi ko na rin naririnig masyado ang paligid. It's as if I was physically there but my spirit wasn't. Para ding bumagal ang ikot ng mundo. My breathing hitched. I don't know what to do.
Hanggang sa nakita ko na lamang si Stephen na nasa harapan ko na. Nakangiti siya sa akin at nakakatuwa na kumalma kaagad ako pagkakita ko nun. He pinched my cheek lightly. At para akong natauhan.
I can hear well again. Then that was the snap of my entire life.
"Ayos ka lang?" tanong niya.
Kabado akong tumango. "Siguro?"
Mahina siyang natawa. "Masyado bang marami ang tao?"
I nodded again.
Ngumiti si Stephen at tinapik nang marahan ang ulo ko. Tinabihan niya ako kaya naramdaman ko na hindi ako mag-isa.
"Ilagay na muna natin ang gamit sa cabin," aniya. I only nodded as a response.
Si Cooper ay hindi ko na mahanap. Si Joshua at Sophie naman ay parang nag-aaway. Magpapaalam sana kami ngunit nagsimula na silang magtalo kaya hindi na lang kami nag-abala pa.
The cabin was a five-minute walk away from where the crowd was. Hindi na rin masyadong malakas ang music kaya kumalma na ako.
"Hindi ka siguro sanay sa mga ganito 'no?" tanong ni Stephen.
BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomansaMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...