26

1.5K 39 5
                                    

26

"O, kape," sabi ni Betty sabay bigay sa 'kin ng instant coffee mula sa vending machine.

"Salamat."

Tahimik siyang umupo siya sa tabi ko. Nang lumabas na 'yung iba naming mga katrabaho sa pantry ay humarap siya sa 'kin.

"Anong problema?"

"Wala," sagot ko.

"Sige ka, magsinungaling ka pa sa 'kin. Hindi na talaga kita papansinin."

Napangiti ako. "Wala naman talaga, eh..."

Tinotoo ko nga 'yung paglayo ko kay Stephen at sa mga kaibigan niya. Ayaw ko na ng koneksyon. I just want to live in peace. That's all.

Ilang linggo na rin akong 'di nagparamdam pa. Si Sophie text nang text pero 'di ko nirereplyan. Nakokonsensya nga ako pero kailangan ko 'tong gawin.

"Isang linggo ka ng tahimik," aniya at uminom ng kape.

"Tahimik naman talaga ako."

"Oo, tahimik ka talaga pero 'di ganyan katahimik."

Mahina akong natawa.

"Pero seryoso kasi, eh... Tungkol ba 'to kay Stephen Vattiera?"

Hindi ako sumagot. Inubos ko na lang 'yung kape na lumamig na.

Bumuntong-hininga si Betty. "Pasensya ka na, ha."

"Para saan?"

"Feel ko kasi kasalanan ko 'to lahat, eh."

Natigilan ako at lumingon sa kanya. Umiling ako at magsasalita na sana ngunit naunahan niya na ako.

"Kung sana hindi ko sinabi sa 'yo 'yung tungkol sa blind date, hindi ka magkakaproblema. Baka 'di pa nga kayo hiwalay ni Tom ngayon, eh. Kaya kasalanan ko talaga, Yumi. Sorry na."

"Alam mo ba na may ibang babae talaga si Tom?"

She gasped. Napatakip siya sa bibig gamit ang kamay. Ramdam na ramdam ko ang gulat niya. Mahina akong natawa.

Hindi naman na kasi ako affected. Naka-move on na ako kay Tom. Sa panloloko niya na lang ako 'di pa rin makapaniwala.

"So totoo nga ang hinala mo?!"

Dahan-dahan akong tumango.

"Oh my gosh! Hindi ako makapaniwala!"

Tumango ako. Of course, kinulit ako nang kinulit ni Betty kaya sinabi ko sa kanya ang buong kuwento.

I can feel the ache when I talked about it. Hindi ko alam kung dahil ba nag-replay na naman sa utak ko ang halikan ni Tom at ng babae niya o dahil kasama ko si Stephen nang panahon na 'yun.

I was okay back then. Even it my world fell apart; Stephen was just one call away.

Nakakalungkot rin pala...

"Hindi pa rin ako makapaniwala, Yumi. Akala ko talaga na good boy 'yang ex mo! Ang sweet-sweet kaya ni Tom 'no!"

"Hindi nga rin ako makapaniwala."

"Gusto mo bang uminom?"

Natawa ako. "Huwag na. Ayos na ako."

"Sure ka? Eh, ba't malungkot ka nitong mga nakaraang araw? Hindi ba dahil dun?"

Mapait akong umiling.

"Oh. Si Stephen Vattiera..."

I sighed. "Wala ka namang kasalanan, Betty. I agreed. And I'm also thankful about it."

The Cheating GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon