End
Napatawa ako nang marinig ang tawanan nina Stephen, Joshua, at Cooper sa bakuran. I was busy preparing the meat for our barbecue party.
Sobrang busy nila sa law firm. Kagaya rin ng dating plano, inalok nila ako sa finance department. Para na rin makasama raw ako ni Stephen 24/7. Si Athena kasi ay lumipat at naging head secretary ng Vattiera Law Firm.
It would be nice but I still have my contract with the other company. Hihintayin ko na lang 'yun.
Athena came in from the living room.
"Nasaan nga pala ang chopping board?" tanong ko sa kanya.
"It's here."
Kinuha niya 'yun mula sa isang cabinet at binigay sa 'kin.
"Salamat."
Kanina ko pa 'to gustong hanapin pero nahihiya talaga ako kasi bahay naman nila ito. Baka makabasag pa ako. Athena helped me with the meat. Medyo nahihiya pa ako sa kanya kasi limang beses pa lang kami nagkikita.
She's so tough. Kahit malumanay lang naman ang paraan ng pakikipag-usap niya pero halata na isa siyang tao na may isang salita.
Ibang-iba kay Sophie na masyadong maingay.
Sophie and I talked from time to time. Minsan nagkita rin kami. She reminds me of Betty. I'm really thankful to have friends like them.
"Dadalhin ko na ba 'to sa loob?" tanong niya.
"Ah, sige."
Tumango siya at kinuha ang lalagyan na may karne at nagtungo na sa bakuran. Sumunod na rin ako.
"Ako na diyan," ani Cooper.
Tumango ako at hinayaan siyang mag-ihaw. Naupo na ako sa tabi ni Stephen. Binigyan niya ako ng tubig.
"Nakasimangot na naman si Cooper," natatawa kong puna.
Athena also chuckled. Ang ganda talaga.
"May girlfriend na ba siya?" tanong ko.
"Negative," si Joshua. "Well, I heard his client got him interested."
"'Yung masungit ba?" ani Stephen.
"Yup."
"Naku, masungit din 'yung tipo niya?" tanong ko. "Eh, paano na sila niyan? Palagi silang nakasimangot?"
"It's so funny to even think about it," ani Athena.
Natawa siya. Si Joshua naman ay napatingin sa asawa niya at ngumiti na rin. I can see the love in his eyes.
"Hindi ka pa rin ba lilipat ng bahay?" tanong naman ni Stephen.
"Hindi pa."
"But Laguna is like... two hours away."
"Uso naman ang internet ngayon, Stephen. 'Tsaka malapit lang 'yun sa office."
"But we only meet once a week."
"Atleast nagkikita na tayo ng isang beses sa isang linggo. Gusto mo bang ulitin 'yung noon? Gusto mong maghintay ulit ng ilang taon?"
Natawa ang mag-asawa. Sumimangot naman siya. Even Cooper smiled a little bit.
Nagtulong-tulong kami sa pag-set up ng mesa para sa hapunan. Hinayaan na namin si Cooper sa ihawan kasi gusto niya raw mapag-isa. Mukha pa ngang may malalim na iniisip, eh.
Nasa loob ang mag-asawa. Kami naman ni Stephen ay naglatag na ng mga plato.
"Nga pala," sabi ko. "Sabi ni Mama nagustuhan niya raw iyong pabango na regalo mo nung birthday niya."
"Talaga? Sobrang tagal kong pinili 'yun. Baka kasi 'di niya magustuhan."
I chuckled. Naupo na rin ako nang matapos na.
"Sayang at wala si Sophie," sabi ko.
Tumabi si Stephen sa 'kin. "Busy 'yun. 'Tsaka balak niya daw pumunta sa Canada."
"Oo nga. Sinabi niya rin sa 'kin."
Pinaglaruan niya ang kamay ko. Seconds after, he intertwined it. I love it when he does it like that. Hobby niya yatang paglaruan ang mga kamay ko.
"Mayumi," he called. "I've got something for you."
"Ano 'yun?"
Kinuha niya ang cellphone niya at pinakita sa 'kin 'yun. I saw a screenshot of a flight information. Nakita ko ang mga pangalan namin dun. And it was destined to Palawan.
"Let's spend a week there if you're not busy. I know that place is very important to you."
I smiled. "Magpaalam ka muna kina Mama."
"Nagpaalam na ako."
I stared at him. I memorized every details of his face. I traced it using my finger. From his stubble to his nose... then to his eyebrows. Napangiti lamang siya kahit nagtataka na.
"Thank you," I said. "For introducing me to your friends. For everything. You introduced me that life is much more than just a job and a planned life."
Hinawi niya ang ilang hibla ng buhok ko. "Thank you for saying yes to that blind date."
Mahina akong natawa.
"You let me realized that fun is also not enough. You made me think of life, Mayumi. And I will never let go of this hand."
Mas hinigpitan niya pa ang paghawak sa 'kin. I leaned over and kissed the top of his nose. He chuckled and caressed my hands with his thumb.
"Respeto naman o," ani Cooper nang inilapag ang inihaw sa mesa.
Nagtawanan lamang kaming dalawa. Hinalikan pa nga ni Stephen ang noo ko kaya mas lalong sumimangot si Cooper at bumalik na sa ihawan.
Stephen draped his arms around my waist. Ipinatong niya ang kanyang mukha sa leeg ko.
Tama na ang laro at pagdududa. Tama na ang "fun." I have found myself and I have found love with Stephen. This is the moment I want to spend with the rest of my life.
He is my home.
BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomansaMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...