21
Simula nang lumabas ako sa sasakyan ni Stephen nang gabing iyon, ginawa ko na ang lahat para layuan siya.
Sinisigurado kong maaga akong umuuwi para lang maunahan siya sa pagsundo sa 'kin. Nilalagay ko rin sa airplane mode ang cellphone ko minsan para 'di niya ma-contact kapag tinatawagan niya.
And it went on for days... and weeks.
Alam ko naman na napapansin niya. Hindi naman siya tanga. Isa rin siyang law student. For sure, he'll figure it out.
Ayaw ko lang na makipag-usap. Ayaw ko na may tanungin siya.
This feeling I have for him is dangerous. Wala itong patutunguhan. Alam ko na pwede ko naman siyang magustuhan kahit 'di sinasabi sa kanya pero hindi lang talaga pwede.
Mas mabuti sana na wala na akong pakiramdam sa kanya 'pag nagkita na kami ulit.
Para walang problema.
Para walang komplikasyon.
"Wala na ba?" tanong ko kay Betty nang pumasok siya sa pantry.
"Wala na. Umalis na."
"Sure?"
"Oo, nga. Nakita ko mismo na umalis ang sasakyan niya."
Nakahinga ako nang maluwag at tuluyang inubos ang kapeng tinimpla. Hindi nakatakas ang kakaibang titig ni Betty sa 'kin.
"Bakit?" I asked.
"Anong bakit? Ikaw dapat ang tinatanong ko niyan, eh. Noong nakaraang buwan naman ay ayos kayong dalawa, 'di ba? Tapos ngayon iniiwasan mo na."
Bumuntong-hininga ako. "Hindi ko rin alam."
"Akala ko ba gusto mo siya?"
Napalunok lang ako at nag-iwas ng tingin.
"Naku, umayos ka diyan, Yumi Salvejo. Malapit na ang pasko. Magpakabait ka naman sa tao."
Ilang beses na akong nagtatago sa pantry kapag hindi pa ako nakakauwi bago makarating si Stephen. Busy rin naman siya kaya hindi niya na dapat sinasayang ang oras niya sa 'kin.
"Walang ginagawa ang tao, okay?" paalala naman ni Betty at nagtimpla ng sarili niyang kape.
"Normal pa ba 'to lahat? Normal pa ba ang ginagawa niyang pagsundo sa 'kin?"
"Oo naman. Magkaibigan kayo, 'di ba?"
"Hindi ko naman siya inuutusan, eh."
Bumuntong-hininga siya at tumingin sa 'kin. "Baka gusto ka niya."
Ngumiwi ako. Ilang beses ko na rin 'yang naisip pero imposible talaga.
"Hindi niya ako gusto, Betty."
"Bakit, natanong mo ba siya?"
Hindi ako nakasagot.
Tahimik niyang ininom ang kape at napaupo sa tapat ko. Nakatitig siya sa 'kin kaya 'di ko maiwasang mailang at sumimangot. Bumuntong-hininga siya at umiling.
"Alam naman nating dalawa, 'di ba?" sabi ko. "Hindi ko dapat bigyan ng kahulugan ang lahat ng ginagawa niya. Hindi siya seryoso. Ayaw niya ng relasyon."
"You can just admire him then. 'Di naman kailangan na hindi ka na talaga makikipag-usap sa kanya, Yumi."
"I can't," sabi ko. "Masyadong... masyadong delikado para sa 'kin, Betty."
"Sobrang lalim na ba ng nararamdaman mo para sa kanya?"
Tanging tango lang ang naging tugon ko sa kaibigan.
BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomanceMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...
