20
Nakatingin ako nang diretso sa mga mata ni Stephen. Sobrang lakas ng pintig ng puso ko. That angelic face took my heart without a doubt. Hindi rin nakatulong na sobrang lapit niya sa akin.
Tumikhim ako at umatras ng isang hakbang.
"Baka naghihintay na sila," sabi ko.
"Oo nga."
Stephen ran his hand through his smooth hair. He tilted his head as he gave me a small smile. Kaagad naman akong nagtaas ng kilay.
"Bakit?"
"Wala, wala," aniya. "Namiss lang kita."
"Namiss? Palagi mo kaya akong sinusundo."
"Pero hindi mo ako kinakausap."
Ngumuso ako at nag-iwas ulit ng tingin. Hindi ko na lang siya pinansin at naglakad na lang. Narinig ko ang mahina niyang halakhak. Kinailangan ko pa ngang huminga nang malalim para kumalma.
Sobrang laki ng bagong ramen house. Halata na mamahalin base sa mga gamit at nagse-serve. Kaagad na kumaway si Sophie na nasa pinakadulong mesa kasama sina Cooper at Joshua.
"Hello, my best friend!" bati pa niya nang makalapit na ako sa mesa.
"Ang feeling close mo naman," si Stephen.
"Huy, hindi ako feeling close! Talagang close kami! Sus, kung alam niyo lang."
Humagikhik na lang ako. Umupo ako sa tabi niya. Nasa tapat naman si Stephen katabi ni Cooper. Si Joshua ay nasa gitna, sa gilid ni Sophie.
"Nag-order na ba kayo?" tanong ni Stephen.
"Yep," ani Joshua. "You said you'll pay, right?"
"Of course."
Mas lalong sumimangot si Cooper. "Ang yabang naman."
"Aba'y kailangan ko lang maging mayabang 'no. Pinag-iinitan kaya ako ng ulo ni Atty. Pakiramdam ko sasabog na ang utak ko kakaaral."
"Atty is indeed strict and keen," ani Joshua. "Gusto niyo ba ng tubig? Kukuha na muna ako."
"Ang gentlemen mo talaga, Joshua. Hindi ko alam kung 'yan ba ang dahilan kung ba't ang boring mo."
Sinimangutan ni Sophie si Stephen ngunit natawa lamang si Joshua at tumayo na para kumuha ng tubig.
"Ikaw, Yumi?" sabay lingon ng katabi ko sa 'kin. "Diba mahilig ka sa mga gentleman? Hindi ka ba nagagalit diyan kay Stephen?"
"Uh-"
"Diba gentleman 'yung ex mo?"
Hindi ulit ako nakapagsalita kasi inunahan niya na naman ako.
"Tapos ang sweet nga kapag ginagawa niya lahat para sa 'yo. No offense, okay? Alam naman nating lahat na mabait talaga 'yang si Joshua and he's doing that because it's like embedded in his whole existence."
Stephen snorted. "Ang boring kaya kung palaging mabait."
"Of course, 'yan ang sasabihin mo kasi hindi ka naman naging magalang ever."
"Magalang kaya ako!"
"Please," singit ni Cooper na inaantok. "Just don't fight today. Please. Have mercy."
Sumimangot si Sophie ngunit natawa na lamang si Stephen. Joshua came with watter bottles. Binuksan niya pa nga 'yun para sa 'kin. Tama nga sila. Sobrang bait ni Joshua.
Dumating na ang mga order namin. Halos napanganga ako kasi sobrang sarap nitong tingnan! Ang bango rin at halata na masarap na masarap.
Tinulungan ni Joshua na ayusin 'yung pagkain ni Sophie. Nahuli ako ni Stephen na nakatingin kaya kaagad akong ngumiti sa kanya. Stephen awkwardly gave me my chopsticks. Tumikhim din siya pagkatapos na alisin 'yung tray sa ramen ko.
BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomanceMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...
