18
Reality.
It hurts more than you imagine.
Tanga yata ako para makalimutan na walang patutunguhan itong nararamdaman ko kay Stephen. Hindi dapat ako magbigay ng kahulugan kasi klaro naman na wala lang sa kanya 'yung pagpunta sa akin tuwing tatawag ako.
Wala lang sa kanya 'yung halik... Hindi na dapat ako mag-exaggerate.
Mabait naman talaga siya. Ito kasing nararamdaman ko, eh. Binibigyan na yata lahat ng kahulugan ang mga ginagawa niya.
Kaibigan ko siya. Magkaibigan kami. Iyon lang at wala ng iba.
It has been two weeks since the pub incident. Nakakatanggap pa rin naman ako ng text mula sa kanya pero madalang na lang akong magreply. Hindi ko alam kung napapansin niya ba na dumidistansya ako.
Mabuti na lang at pinautang ako ng pera ng pinsan ko kaya nabayaran ang tuition ni Melay pati na rin 'yung check up ni Papa. Kaya naman kahit nagtitiis sa budget, nakakakain pa rin kami ng maayos. Iniiwasan ko na rin ang pag-overtime para maalagan din si Papa.
"Ate," tawag ni Melay. "Nasaan ba 'yung kutsilyo?"
"Wala ba sa may aparador?"
"Wala, eh," aniya.
"Tingnan mo lang diyan. Baka nasa lababo lang."
Nagtungo siya sa lababo at nagsimulang maghanap. May tinatapos ako sa laptop habang nasa dining area. Nababagot na ako sa kwarto kaya dito ko na tinapos. Nahanap ni Melay ang kutsilyo at naghiwa ng papaya.
"Gusto mo?" alok niya.
"Lagyan mo ako ng isa sa platito."
Kumuha siya ng platito at nilagyan ako ng isang slice. Umupo siya at nagsimula nang kumain. Nagkumustahan kami sa trabaho at eskwela. Medyo naging abala na rin ako at hindi ko na nakakausap ang kapatid ko nang maayos.
"Diba, may reunion kayo, Ate? Nakita ko 'yung post ng dati mong kaklase sa Facebook."
"Oo, ngayong Sabado raw. Ewan. Wala pa naman silang napagplanuhang lugar."
"Pero pupunta ka ba?" tanong niya.
"Oo, pupunta ako."
"Ah..." Tumango-tango siya. "Nakita ko si Ate Shirley, 'yung isa niyong classmate sa high school. May bagong bahay na siya."
"Oo, nga."
Hininto ko na muna ang pagtype at isinara ang laptop para kainin ang papaya.
"Ikaw, Ate? Hindi ka ba naiinggit sa kanila?"
Nagtaas ako ng kilay. "Inggit saan?"
"Kasi... may mga sariling bahay na sila, tapos ikaw, nakatira pa rin dito."
Mahina akong natawa. "Hindi ako naiinggit sa kanila, Melay. Ayos lang din ako na dito muna para makatipid."
"Eh, 'yung iba mong classmate, may mga asawa na..." she trailed off.
Bumuntong-hininga ako at tumingin siya kanya nang madiin. "Anong gusto mong sabihin?"
"Kasi... napapansin ko na may naghahatid sa 'yo rito. 'Tsaka mukhang mayaman base sa sasakyan," sabi niya. "Hindi mo ba 'yun boyfriend?"
I pursed my lips, not sure what to say. Wala namang ibang naghahatid sa akin kundi si Stephen. Kahit mag-insist ako na 'wag na lang ay pilit niya pa rin akong sinusundo. Pati mga ka-opisina ko, kinukulit na rin ako kung nanliligaw ba siya sa akin. Tanging si Betty lang ang may alam.
BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomanceMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...
