24
Tahimik kaming nanonood ni Stephen ng isang comedy-action movie. Minsan, natatagpuan na lang namin ang sarili naming tumatawa at pinipigilan ang hininga 'pag may intense na bakbakan.
Sa simula, medyo naiilang pa ako. Pero unti-unti ko na ring nakalimutan 'yun. Naubos pa nga namin ang pizza, eh.
Nag-unat ako nang matapos ang palabas.
"Nakakabitin," aniya.
"Oo, nga."
Ala dose na pala ng madaling-araw nang tumingin sa relo. Nagpunta si Stephen sa CR. Inayos ko na rin iyong mga upuan sa dati nitong posisyon.
"Ayaw mo bang bumaba?" tanong niya nang lumabas.
"Siguro. Pero baka mag-stay na muna ako dun sa may bakonahe. Ikaw? Wala bang naghahanap sa 'yo?"
"Wala naman."
"Imposible. Mukhang kilala ka nga ng lahat, eh."
Stephen chuckled. "Hindi naman masyado."
Natawa na rin ako nang mahina. Nang matahimik ay saglit kaming nagkatinginan at kaagad na nailang. Tinuro ko ang pinto bilang senyas. Tumango naman siya kaya kinuha ko na ang pagkakataon para lumabas.
Kaagad akong binati ng malamig na hangin. That was weird. Parang noon lang ay kumportable ako sa kanya, tapos ngayon 'di na ako makapagsalita.
Sobrang dami ng lasing. May mga naghahalikan din sa gilid. Sanay na rin naman ako, eh. Mas malala pa nga nung sa Tagaytay.
Walang tao sa balkonahe kaya tahimik. I rested my elbows on the railings and looked at the majestic view. Nang tumingin sa ibaba, kaagad kong namataan si Sophie na may kausap na mga babae.
"It's lonely to see a pretty girl alone in here."
Nanlaki ang mga mata ko at tumingin sa likuran. Umayos ako ng tayo nang makakita ng isang matangkad na lalake. May pagkakulot ang kanyang buhok. Hindi ko pa maaninag ang mukha niya kasi madilim ngunit napanganga ako nang lumapit siya.
Ang gwapo niya... Para siyang foreigner...
"Okay lang ba na samahan kita rito?" magalang niyang tanong.
"U-Uh, oo naman. Ayos lang."
Ang bango niya rin. Bigla akong na-conscious nang sumandal din siya sa railings. Ilang pulgada lang ang layo namin.
Nasa tamang wisyo naman ako. Oo, gwapo siya. Pero 'yun lang.
"You're a law student from?" tanong ng sobrang lalim niyang boses.
"Ah hindi... Hindi ako law student. Mga kaibigan ko ang law student."
He smiled a bit. "Oh, really? Pareho pala tayo kung ganun."
Mahina akong natawa.
"Valentin," aniya at naglahad ng kamay.
"Yumi," sabay tanggap ko sa kamay niya.
Sabay naming tiningnan ang nangyayari sa ibaba. Akala ko ay magsasalita siya pero tahimik lang si Valentin. I guess he doesn't want to talk. Ayos lang din naman sa 'kin 'yun.
"Mayumi," rinig kong tawag ng pamilyar na boses.
Paglingon ko, nakita ko si Stephen na naglalakad papunta sa amin. Si Valentin ay tumingin sa 'kin bago bumaling sa lalakeng papunta rito.
"Hindi ka pa ba bababa?" tanong niya sa 'kin.
"Oh, Stephen Vattiera," ani Valentin.
Pumirmi ang mga labi ni Stephen habang nakatingin lang sa katabi ko. Tumango siya tapos tumingin ulit sa 'kin.
BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomanceMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...
