09
Nakaupo lamang ako sa pasemano habang nasa ilalim ng poste ng ilaw, nakatulala habang inaalala kung ano ang mga nangyari kanina.
It was still not clear to me.
Hindi ganoon si Tom.
Mataas ang pasensya niya sa akin. Minsan nga ay nilalambing niya pa ako 'pag ganito. It's weird that he's not even pursuing me anymore. I know I should be patient, too. Hindi madali ang med school. Pero kung iisipin, ang unfair lang naman kasi...
This is sickening.
Nakarinig ako ng mga tapak at natanaw ang pares ng mamahaling sapatos na papunta sa akin. Hindi na ako nag-angat ng tingin para tingnan kung sino 'yun kasi si Stephen Vattiera lang naman ang tinawagan ko.
"Mukha ka ng pulubi niyan," mahina ngunit pabiro niyang sabi.
"Talaga ba?" I asked.
"Hmm, siguro magandang version."
I smiled a little and met his eyes. Stephen looked like a prince. Literally. Hindi rin nakatulong ang gummy smile niya.
Naglahad siya ng kamay sa akin at tinitigan ko iyon ng ilang segundo bago tinanggap. Ang lakas niya. Kaya niya lamang akong patayuin ng isang kamay lang. O baka masyado lang akong magaan. Pinagpagan ko ang puwetan nang tuluyan nang nakatayo.
"Naka-istorbo ba ako?" nahihiya kong tanong.
Ngayon ko pa talaga natanong na nandito na siya. Hindi man lang ako nahiya.
"Hindi naman." Napakamot siya sa likuran ng batok. "Tara, kain tayo."
Natawa ako. "Hindi ka pa ba nagdidinner?"
Alas syete na pala nang tumingin ako sa wristwatch ko. Kagaya ko, napatingin din siya sa kanyang relo.
"Hindi pa. Ikaw ba?"
"Hindi ako gutom."
More like, wala akong gana. Kanina pa ako wala sa mood. Kahit nung umaga pa lang. Ewan ko ba kung bakit ganito na ako kay Tom. Masyado na ba talaga akong napagod sa relasyon namin? I shrugged away those thoughts and followed Stephen towards his car.
"Weh? Nagda-diet ka ba?" aniya.
"Hindi naman. Ang payat ko na nga, eh."
He chuckled. "Samahan mo na lang akong kumain."
I eyed him, not planning to answer.
"'Tsaka nandun ang mga gamit ko. Iniwan ko lang."
"Sino ba naman kasing nagsabi sa 'yo na iwan mo?" natatawa kong tanong.
"Hmm, wala." He chuckled. "Samahan mo na lang kasi ako... Please? Please?"
Ang kulit. Wala na akong nagawa pa at tumango na lamang.
Naramdaman ko ang unti-unting pagkalimot sa nangyari kanina. Tuluyan na ring bumalik ang mga ngiti ko. Stephen talked a lot during the drive. Palagi niyang sinasabi sa akin 'yung terror daw na prof nila. Tawa lang ako nang tawa.
He's so cool with speaking. I'm so cool with listening.
Hindi rin naman kasi ako madaldal. Ako iyong tipong dinadaldal. Masyado rin naman kasing nakakapagod makipaghalubilo. Kaya siguro nagkasundo kami ni Tom kasi pareho kaming tahimik.
Nasa Andrew's ulit kami. Dito rin kami pumunta noong birthday ko. Mukhang madalas nga siya rito. Sa pinakalikuran kami nagtungo kung saan mas tahimik. Puno ang restaurant ngunit sa pinakalikod ay para bang iyon ang parte na mas pribado at tahimik. Napansin ko rin na mukhang bigatin at mga businessman ang nandun.

BINABASA MO ANG
The Cheating Game
Roman d'amourMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...