16
Nanatili akong nakatitig kay Stephen habang nakakunot ang noo. Masyado na akong naguguluhan at hindi ko alam kung ano ang ire-react ko dun.
"Alam mo?"
Bumuntong-hininga siya. "Mayumi-"
"At hindi mo man lang sinabi sa 'kin?!"
Gumalaw ang panga niya, halatang nagpipigil ng emosyon. Napahilamos ako gamit ang kamay. Sobrang basa na ng pisngi ko dahil sa mga luha.
"So he's been cheating for a year already?" napapaos kong tanong.
Hindi siya sumagot.
I sobbed. I felt so betrayed.
"I'm sorry," aniya. "Hindi ko alam na siya pala ang boyfriend mo, Mayumi. I just know the name but I don't know the face. And I don't want to know... Kasamahan siya ng kaibigan kong doktor. I've been here a few times and I already saw them together."
I exhaled. "Sorry... Sorry... Hindi ko sinasadya na pagtaasan ka ng boses."
Inilagay ni Stephen ang kaliwang kamay sa baywang habang ang kanang kamay ay napasapo sa noo. Nakatunganga lamang ako, pilit na inintindi 'yung narinig ko.
"At siya pa itong nagsabi na nag-cheat ko?" I murmured. "Putangina."
Hindi talaga ako palamura na tao pero para bang sanay na ang bibig ko dala ng galit nang sabihin ko 'yun. Galit na galit ako. Sobrang masakit sa parte ko na nagawa iyon ni Tom sa akin.
"Kaya pala wala na masyadong oras sa 'kin," sabi ko. "Tama pala ang hinala ko. Putangina!"
Stephen sighed and sat beside me. Hinayaan niya lamang akong humagulhol.
"Napakasinungaling niya! Sobra! Tapos ako pa itong pinagbibintangan niya?! Gago."
"Gago nga," mahina na tugon ng katabi ko.
"Niligawan niya ako ng ilang buwan noon, eh. I was there during his lonely days. Kilala niya ang pamilya ko..."
Hindi ko alam kung ano ang point ko ngayon. Hindi ko alam kung ba't galit ako. Pero alam ko naman na kahit may gusto ako kay Stephen ngayon, minahal ko pa rin si Tom. I guess masyado lang akong nagulat.
Masyado lang akong pagod.
And it scares me so much knowing that I can be replaced that easily.
Lumingon ako kay Stephen na tahimik lang sa tabi ko. Napalunok ako habang nakatingin sa kanya. My heart beat twice.
Galit ba ako dahil nangaliwa si Tom? O takot lang ako na baka maulit 'yun sa akin.
And I know I don't stand a chance when it comes to Stephen...
Bumaling siya sa akin. Mahinahon ang kanyang mga mata.
"Gusto mo ba na pasukin ko sa loob?" aniya.
Umiling ako.
"Gusto mo bang makipag-usap sa kanya?"
"Ayoko," pabulong kong tugon.
"Anong gusto mong gawin?"
I sighed and looked away. "Hindi ko alam."
"Gusto mo bang sirain natin ang gulong ng sasakyan niya?"
Kunot-noo akong tumingin sa kanya. Akala ko magjo-joke si Stephen pero walang halong biro ang mukha niya.
"Ano?" I asked. "Sirain ang gulong niya?"
He nodded. "Kilala mo naman ang sasakyan niya, diba? Siraan natin. Para man lang mabayaran niya ang panloloko niya sa 'yo."
Mahina akong natawa dahil dun. Unti-unti na ring napangiti si Stephen habang nakatingin sa akin.

BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomanceMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...