15

1.9K 39 19
                                        

15

Sobrang lakas ng pintig ng puso ko.

The kiss replayed on my head as if it's a broken film.

Hindi ko alam kung mahihiya ba ako o magugulat. Basta pagkatapos naming maghalikan ay tumahimik kaming dalawa ni Stephen, pilit na inisip iyong ginawa namin. We were both breathing heavily. Until niyaya niya akong ihatid pauwi.

Kaya ngayon ay nasa sasakyan niya ako. Ngunit hindi pinaandar ni Stephen ang makina. We just sat in silence.

Humina na ang ulan. Nilalamig na rin ako masyado kasi nabasa rin ako. Still, that's the least of my concern.

"Pasensya ka na," sabi ko nang magkaroon ng lakas ng loob. "Hindi ko alam kung ano ang pumasok sa utak ko."

Kaka-break ko pa nga lang kay Tom tapos lumalandi na ako nang ganito. Ano na lang ang iisipin ni Stephen?

"Sorry din," aniya. "I kissed back."

Naramdaman ko na uminit ang aking pisngi kaya nag-iwas na ako ng tingin at napalunok. The damn kiss! Ayaw matanggal sa utak ko!

"Hindi mo naman kasalanan. Ako ang unang humalik kaya..."

"We are both to be blamed, Mayumi. Kagaya nga ng sinabi ko, hinalikan kita pabalik. The kiss won't last that long if I did not pull away."

Napalunok ako. Isinandal ni Stephen and kaliwang siko sa may bintana at hinawakan ang labi. He was biting his lips... those smooth, pinkish, and kissable lips... to stop from smiling.

"I hope I'm not a bad kisser."

Muntikan na akong mapasinghap sa sinabi niya! Mabuti na lang at napigilan ko!

Siya pa talaga itong nagsabi nang ganyan, eh, siya pa nga itong mas may experience sa aming dalawa! And, oh God, he kissed so damn well! Kaya pala sobrang dami ng babaeng ayaw siyang bitawan.

"Hindi naman," mahina kong sabi.

Natawa siya.

"Pero sana 'wag natin itong isipin masyado, Stephen. Wala lang 'to, okay?" I hopefully asked.

Hindi siya sumagot. He only looked at me with a small smile.

"Panigurado na marami ka naman sigurong nahalikan sa mga naging 'kaibigan' mo. For sure, wala namang kaibahan itong sa ating dalawa."

I saw how his small, playfull smiled slowly disappeared. Sumeryoso ang tingin sa akin ni Stephen kaya mas lalo akong nailang.

Medyo masakit din 'yung sinabi ko. It was like a slap to the face. Of course, he's got a history with flirting. Hindi na bago sa kanya 'to. Kaya bakit sa kanya pa ako nagkagusto?

"I don't kiss my friends, Mayumi, if that's what you mean," tugon niya.

He started the engine. Was he offended? May mali ba akong nasabi? Kinagat ko ang loob ng mga pisngi.

"I date those who wants to date and I hook those who wants to hook up. Hindi naman ako ganoong tao..."

"Pasensya na."

He playfully smiled and looked at me. "Ayos lang. I do get that a lot though. Kaya medyo sanay naman na ako."

"Sanay saan?"

"Na hindi sumeseryoso ng tao," sabay halakhak niya nang mahina.

I pursed my lips and stared at his side profile. Nang titingin na siya sa akin ay kaagad akong nag-iwas ng tingin bago pa niya ako mahuli.

"Ikaw na rin naman mismo ang nagsabi niyan, diba? Ayaw mo ng seryoso," I said.

"People change."

The Cheating GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon