19

1.7K 36 1
                                        

19

Malamig ang gabi. Alas onse na pero gising pa rin kami ni Sophie. Pareho kaming nakahiga sa sahig habang nakatitig sa kisame kong mababaw. Kanina pa kami nag-uusap. Mostly tungkol lang sa karanasan niya sa law school at sa relasyon nila ni Joshua.

I let her rant. Wala namang problema kasi unti-unti na ring bumabalik iyong bubbly na Sophie na nakilala ko.

"Masyado ba akong madaldal?" tanong niya matapos ang halos limang oras na pagkukuwento.

Natawa ako. "Hindi naman masyado."

"Oh my gosh, I can really feel my jaw hurting. Ang unfair, ha. Ikaw naman ngayon ang magkuwento."

She reached for the snack she bought and ate it. Binigyan niya rin ako ngunit hindi ko tinanggap kasi busog talaga ako.

"Well, I graduated majoring in Business Ad-"

"Ang boring naman niyan," putol niya. "Tell me something interesting. Like Stephen."

Kumunot ang noo ko. "Si Stephen?"

Bumangon siya at may nakakalokong ngiti nang tumingin sa akin. "Naku, huwag mong i-deny, ha! You said it yourself in Tagaytay! And even if it's indirect, you're basically pointing out that you like him."

Bumuntong-hininga ako at napabangon na rin.

"Parang ganun na nga yata," mahina kong amin.

Pinigilan niya ang pagtili niya. Natural na malakas ang boses ni Sophie pero dahil sinabihan ko siya na manipis lang itong mga pader namin at natutulog na ang buong barangay, sinubukan niya talagang maging tahimik. Minsan, nakakalimutan niya pa rin.

"Well,it's not actually a bad idea. You're friends with him. Mas close kayo. 'Tsaka bagay rin naman kayong dalawa 'no."

I did not say anything. Of course, naguguluhan ako. May bumabagabag pa rin sa puso ko.

"Well, Josh and Cooper even tease him with you in school. Alam mo ba na sobrang busy nun! Tapos he still finds time for you?! And swerte naman ng friendship na 'yan, Yumi."

"Busy siya? Eh, may panahon pa nga siyang lumandi."

Naalala ko na naman 'yung sa pub. Ewan ko ba. Nadi-discourage ako pero ayaw bumaba ng pagkagusto ko kay Stephen.

"Someone's jealous," puna ni Sophie at binuksan 'yung isang chip.

Mahina akong natawa. "Hindi naman ako nagseselos, eh..."

"Pero why the long face? Is it because he's not taking commitments seriously?"

Napatingin lamang ako sa kanya, hindi alam kung ano ang sasabihin.

"Naku, mahirap nga 'yan. Naiintindihan ko kung ba't nag-aalinlangan ka kay Stephen kasi gago rin naman 'yun, eh. Ang daming pinapaiyak."

"Kaya nga..."

"Akala ko nga may gusto siya sa 'yo, eh."

Lumakas ang pintig ng puso ko at umiwas ng tingin. Hindi ko alam ngunit mas bumigat ang pakiramdam ko sa sinabi niya.

"I mean, he's showing the signs. First, he's just talking about you coming to Tagaytay. And I thought you're just one of his flings. Pero nagulat ako na tunay nga na kaibigan ka niya. At iba ang tingin niya sa 'yo, Yumi. Ibang-iba."

I sighed and smiled. "Sabi mo nga, Sophie, hindi siya seryoso. May gusto man ako sa kanya pero wala akong planong ipatuloy 'to. It will disappear."

"Maybe it will, maybe it won't."

Kahit madaling araw na kaming nakatulog ni Sophie ay maaga pa rin kaming gumising. Aniya, may recitation daw sila. Ako naman ay maaga sa trabaho. Inalok pa kami ni Mama na mag-agahan pero sabi ni Sophie ililibre niya raw ako kasi naging mabait daw ako sa kanya.

The Cheating GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon