01

3.2K 53 2
                                        

01

Sabi nila, kamukha ko raw si Mama. Manipis ang mga labi ko at may ilong na katamtaman ang taas. Sakto lang din ang laki ng mga mata at ang hugis ng kilay.

Dahil sa buhok na hanggang sa balikat, mas klaro ang maliit na pigura ng mukha ko. But I never include myself to be one of the beautiful girls. Iyong tipong sakto lang.

Hindi rin ako sanay sa compliments. Kahit kay Tom. Hindi naman kami masyadong naglo-look forward sa mga ganyang usapan.

Kaya nailang ako sa sinabi ni Stephen. Naramdaman ko rin ang pamumula ng pisngi at nagkunot-noo. Hindi ko alam kung maniniwala ba ako... siya kasi 'yung tipo na mukhang hindi seryoso sa lahat ng bagay.

"Hindi mo ako madadala sa ganyan," I said. "Lalo na kung galing sa mga taong hindi ko naman talaga kilala."

Ngumisi siya at naglahad ng kamay. "Stephen Vattiera, 24 years old, Libra, may isang kapatid, 3rd year law student... ano pa ang gusto mong malaman?"

"Mukhang sanay ka na yata sa mga ganito," I said.

"Sa mga ano?"

"Date." I eyed him.

Mahina siyang natawa. "Hindi naman masyado. Konti lang."

Hindi ko pinansin ang mahinang pagtalon ng puso nang marinig ang tawa niya. Para bang lumiwanag ang paligid kapag nakangiti siya—na dapat hindi ko isipin nang masyado.

"So ikaw pala 'yung tipo na hindi seryoso sa buhay."

He faked a gasped and held his chest. "Grabe naman. Ang judgemental, ah."

"No offense."

"Well, tama ka rin naman."

I made an 'I know I'm right' face at pinaglaruan ang baso. "Tapos may panahon ka pa talagang mag-date? Hindi ka ba busy sa law school?"

"Busy. Sobrang busy. Kaya nga ako nakikipag-date para ma-distract ako nang panandalian. You know, to have fun."

"At may mga pumapayag na makipag-date kahit hindi seryoso?"

Hindi naman ako masyadong inosente. Alam ko na may mga ganyang tipo talaga sa mundo. But how can they date without feelings?

Natawa siya. "Nakakatakot ka naman pala, Mayumi."

"Yumi. Tawagin mo akong Yumi."

"Ah, so close na tayo? Nickname basis?"

Sumimangot ako. "Hindi 'no. 'Tsaka bakit ako nakakatakot?"

Natawa ulit siya. "Parang ikaw kasi iyong tipong hindi pa masyadong mulat sa lahat ng bagay."

Kumunot ang noo ko dun at magtatanong na sana nang may lumapit na waiter sa amin at naglapag ng menu. Kinuha ko iyon at nagtingin-tingin ng ma-oorder na sapat lang sa budget.

Ito rin ang ayaw ko, eh. Mapapagastos lang ako nito.

"Pick anything you like, ako na ang magbabayad," si Stephen.

"Salamat, pero nakakahiya 'yun. Kaya ako na lang."

Mula sa menu ay tumingin siya sa akin. "Ako na."

Matigas akong umiling. Nakita ko ang lihim niyang ngiti bago tinago ang mukha sa menu.

"We'll order later," aniya sa waiter. Tumango ito at umalis na sa harap namin.

"Let's just split the expenses. Para naman hindi tayo ma-guilty," yaya ko.

Nagtaas siya ng kilay. "It's not a problem for me, Yumi. Kaya ako na."

The Cheating GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon