22
"Maam Yumi, may naghahanap po sa 'yo sa labas," sabi ng guard nang pumasok sa pantry.
Lunch break kaya panigurado na 'di kliyente ang naghahanap sa 'kin. Bumaling ako kay Betty na kasama kong kumakain. Pareho kaming kunot ang noo. Tumayo ako at niligpit muna nang panandalian ang kinakainan.
"Baka admirer mo. Alam naman natin na Valentine's Day, 'di ba?"
"Betty, last week lang 'yung Valentine's."
"Edi baka nahuli lang. Ang nega mo na talaga. Palibhasa ito ang unang Valentine's na single ka, eh."
Napailing na lang ako at nagtungo na sa labas matapos uminom ng tubig.
Hindi nagpapapasok ang bangko ng tao 'pag hindi office hours kaya nang mataman na walang tao sa loob, alam ko na 'di ito kliyente. Lumabas ako ng opisina at nagkunot-noo nang makita sina Sophie, Joshua, at Cooper sa parking lot, sa may ilalim ng malaking puno.
Anong ginagawa nila rito? I even scanned them one by one. Wala si Stephen. So ano itong pakulo na 'to?
"Yumi, I missed you!" sabay yakap ni Sophie nang makalapit sa kanila.
"Long time, no see," ani Joshua.
Tinanguan din ako ni Cooper.
"Teka, anong ginagawa niyo rito?"
"Masama ba na kumustahin ka?" si Sophie. "Tsaka ang tagal na nating 'di nagkita 'no! Law school is pretty hectic. I thought my brain is about to explode!"
"Kumusta ka na?" tanong ni Joshua.
"Uh... ayos lang naman ako."
"Oh, dear Yumi. I know you've been pretty worked up with your work also. Kaya nga kami nandito para imbitahan ka sa paparating na convention after ng midterms."
Napaatras ako ng isang hakbang. "Hindi ko kayo naiintindihan."
Sophie smiled. "This time, sa Baguio raw gaganapin ang convention. Please come with us."
Hindi ako makasagot lalo na at nakatingin silang tatlo sa 'kin.
"Don't worry. Kami na ang bahala sa 'yo," si Joshua.
"We're really here to convince you to come," ani Cooper.
Sumingit naman si Sophie. "Well, 'di naman kami bulag at pipi para 'di ma-gets na may something sa inyo ni Stephen kasi parang noon lang ay kating-kati 'yun tuwing alas kuwatro para sunduin ka tapos ngayon ay dedma na lang siya. We don't know what happened, but hey, 'di lang naman siya ang friend mo 'no!"
"It would be really nice if you come," ani Joshua.
"'Yan lang ba ang pinunta niyo rito?"
Tumango sila sa tanong ko.
I sighed. "Look, pasensya na pero nagsasayang lang kayo ng oras. Busy rin ako. You can go on without me."
Sophie frowned. "Dahil ba kasama si Stephen?"
"Hindi naman sa ganun."
"Akala ko ba siya lang ang iniiwasan mo. Pati rin pala kami?"
"Soph..."
"Sayang talaga, Yumi. We treated you as a real friend. And we're really trying our best to make this work. Sumama ka na sa convention..."
Hinawakan niya pa talaga ang mga kamay ko.
Joshua smiled. "You can still avoid him, you know. And he's pretty silent nowadays."
"So silent," dagdag ni Cooper.
BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomanceMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...
