29

1.7K 39 10
                                    

29

"Hindi ko na ba talaga mababago ang isip mo?" tanong ni Betty habang pinipigilang maluha.

Natawa ako at ngumiti na lamang. Ito na ang huling araw ko rito sa bangko.

I decided to quit my job. Apat na taon din ako rito. Tinanggap nila ako kahit bagong graduate na. Kaya ako masyadong nasanay. This job is the first thing to let g to step out of my comfort zone.

Ilang linggo ko rin itong pinag-isipan. Nakakatakot. Alam ko naman kasi na hindi ako competent sa trabaho. Pero alam ko na gusto ko rin namang subukan ang ibang bagay.

"Mamimiss kita!" sabi rin ng isa kong katrabaho.

"Salamat sa inyong lahat. Kukumustahin ko rin naman kayo from time to time," sabi ko.

"Wala na akong kasamang mag-kape," si Betty.

"Pwede ka namang mag-kape nang walang kasama."

"Pero iba pa rin talaga kapag nandito ka, eh."

Sinamahan ako ni Betty na magligpit ng mga gamit ko. Hindi ko naman mapigilan ang maging emosyonal nito. Everything was so familiar to me. I memorized everything. Kakayanin ko ba talagang panindigan itong desisyon ko?

"So anong plano mo ngayon?" tanong ni Betty.

Nasa loob na ako ng sasakyan niya kasi nag-offer siya na ihahatid niya raw ako kasama ang mga gamit ko. Imbis na umuwi na ay tumambay na muna kami rito habang nasa parking lot. Tanaw ko ang bangko, hinahayaan ang sariling malungkot.

"Hindi ko alam," sabi ko. "Magbabakasyon siguro ako. May konti naman akong ipon."

"Akala ko ako talaga unang magre-resign sa ating dalawa. Akala ko na diyan ka na magtatanda, eh."

Natawa ako. "Kaya nga ako aalis, 'di ba? Buong buhay ko kasi, mula elementary hanggang college, nandito lang ako. Parang... masyadong naka-routine ang buhay ko."

"Basta tawagan mo pa rin ako, okay?"

"Oo naman, syempre."

Hinatid na ako ni Betty sa bahay. Kinakabahan ako pero tapos na. Nakapag-submit na ako ng resignation paper. Nakakahiya naman kung babawiin ko.

Kaya naman nang magising kinabukasan, halos nataranta ako kasi malapit nang mag-ala syete. Napabangon ako ngunit kaagad na natigilan nang matanto na wala na pala akong trabaho.

I sighed and laughed after.

Nakakailang na hindi pumapasok sa trabaho. Literal na tambay na talaga ako.

"Gising ka na pala," ani Mama nang magtungo sa kusina.

"Si Melay, po?"

"Pumasok na. May program daw sa kanila kaya maaga siya."

Tumango ako at pumuwesto na sa mesa. Si Papa rin ay bumaba na at nakiupo na rin.

It was weird. Minsan lang talaga kasi akong makisabay sa kanila ng agahan kasi minsan una akong natatapos o una akong kakain.

"Saan ka pupunta para sa plano mong bakasyon?" nakangiting tanong ni Papa.

"Sa palawan po... 'Tsaka balak ko rin pong tumingin ng mga... opportunities dun."

Maingat ko 'yung sinabi para hindi sila mabigla. Kung mabibigyan ng pagkakataon, ngayon pa lang ako makakalayo nang ganito sa bahay nang matagal.

I thought they're going to be shocked but they smiled.

"Ayos lang po ba kung sa ibang lugar ako titira, Ma, Pa?"

Tumango si Mama. "Oo, naman. Walang problema, Yumi."

The Cheating GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon