04
"Anong ginagawa mo rito?" I asked. Napapikit ako nang tumapat sa mukha ko ang ilaw mula sa cellphone niya. I heard him giggled.
Inilayo niya ang ilaw sa akin at nag-squat kaya magka-level na kami. Na-conscious ako sa paraan ng pagtitig niya sa mukha ko lalo na at galing pa ako sa pag-iyak. I looked away but I still felt his eyes on mine.
"Ikaw?" mahina niyang tanong. "Bakit ka nandito?"
Humarap ako sa kanya at hindi makapagsalita.
"'Tsaka bakit ka umiiyak?" he softly added. Lumakas ang pintig ng puso ko lalo na at magtama ang mga mata namin. "Sinong umaway sa 'yo?"
"W-Wala..." I stammered.
Bumuntong-hininga siya at kumuha ng panyo mula sa likurang bulsa at binigay sa akin. Tinitigan ko pa ito bago tinanggap at pinunasan ang basang mukha. Amoy na amoy ko ang pabango niya. Naka-squat pa rin si Stephen sa tapat ko.
"Huwag mo nga akong titigan nang ganyan..." mahina kong taboy.
Natawa siya. "Bakit ka nga umiiyak?"
Naalala ko na naman si Tom at iyong kasama niya. Mapait akong nagbuntong-hininga at tumingin sa kanya. "Busy ka ba?"
Ngumisi siya. "Hindi."
"Pwede mo ba akong samahan?" nahihiya kong tanong.
Tuluyan na siyang ngumiti. Kumabog ang puso ko. Wala siyang sinabi kaya sumimangot ako.
"Ayaw mo ba?" tanong ko ulit.
Tumayo na siya habang malawak ang ngiti. "Tara." Kinuha niya ang susi mula sa bulsa.
"Teka, hindi mo man lang ba tatanungin kung saan tayo pupunta?"
"Hindi." Kinagat niya ang pang-ibabang labi, pinipigilan ang ngiti na mas lumawak pa. "Halika na."
Isang beses lang kaming nagkita pero nakakatuwa na ang friendly niya pa rin. Well, alam ko naman na friendly siya sa lahat. Pero kahit na. Ayaw kong masayang ang birthday ko. Mamaya ko na lang muna iisipin si Tom at iyong babaeng kasama niya. Bukas na lang o mamaya kapag hindi ako makatulog.
"Okay..." Kinuha ko ang box at tumayo na.
"Ano 'yan?" aniya at tinuro ang dala.
"Carrot cake. Gusto mo ba?" I offered. Mahal pa naman 'to.
He made a disgusted face. "No, thanks. Hindi ako mahilig sa cake."
"Okay..." Mahina akong natawa nang mapansin ang mukha niya. Iuuwi ko na lang 'to sa bahay.
Nakasunod ako kay Stephen. He's so tall. Mas matangkad pa siguro siya kaysa kay Tom. Halata rin na maganda ang hubog ng katawan. 'Tsaka ano ba ang sabon na ginagamit niya? Ang puti niya.
Nahinto na lang siya bigla sa paglalakad. Dahil nasa likuran niya lang ako ay nabangga ako sa likuran niya. Muntik nang mahulog ang cake. I inhaled some of his perfume. Kumurap-kurap ako at hinaplos ang noo habang lumayo sa kanya ng ilang hakbang.
"Ayos ka lang?" natatawa niyang tanong.
Mas nakita ko nang mabuti ang mukha niya dahil sa poste ng ilaw. "Ah, oo."
He chuckled and fixed a few strands of hair, making my heart flutter. "Nga pala, saan tayo pupunta?"
Tuluyan na akong natawa. "Hindi ko alam."
Stephen looked at me with an amused smile. Tinakpan ko ang bibig gamit ang isang kamay para mapigilan ang sarili sa pagtawa. Wala namang nakakatawa, pero ewan, hindi ko mapigilang humagikhik. Stephen also chuckled.
BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomanceMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...
