17
"Ang aga naman ng simangot mo," puna ko kay Betty pagpasok sa bangko.
Usually, isa ako sa mga pinakamaaga. Itong si Betty naman ay darating na talaga kapag tuluyan nang magbukas ang opisina para sa mga tao. Kaya naman nakakagulat na nandito siya at naka-browse na sa computer.
"May inutos kasi sa akin na isang account na tinakbuhan. Hindi na raw nagpakita kaya kailangan kong i-check 'yun."
"Kape, gusto mo?"
She weakly smiled. "Sige, please. Salamat!"
Nagtungo na ako sa pantry at nagtimpla ng kape para sa aming dalawa. Bago sa akin na tahimik si Betty. Mukhang problemado rin siya dahil sa account na 'yun. Hindi ko na rin siya inistorbo pa.
Nang mag-lunch ay balisa siyang sumama sa akin. Naisipan naming sa isang fast food kami kumain para mabilis lang din kaming matapos.
"Kwentuhan mo naman ako ng kung ano, Yumi," aniya. "Masyado na akong stresses."
"Kwentuhan ng ano?"
"Kahit ano. Mga tsismis sa buhay."
I pursed my lips and looked at her. Susubo na sana siya ngunit natigilan nang matantong nakatingin ako sa kanya.
"Bakit? May dumi ba sa mukha ko?"
Umiling ako. "May tsismis nga ako sa 'yo. At hinding-hindi mo ito aasahan."
Kaagad na ngumiti si Betty. Alam ko rin na kailangan ko itong i-share para kahit papaano ay maibsan ang lungkot at pag-aalala ko. Sinimulan ko nang ikuwento ang nangyari tungkol sa pagkahuli ko kay Tom. Sinama ko na rin si Stephen dahil alam niya naman na 'yun.
Dalawang araw na rin mula nun. Kaagad akong nag-general cleaning sa kwarto para itapon ang mga gamit at regalo ni Tom sa akin. Mula sa mga stuffed toy na hindi ko ginagalaw hanggang sa mga panyo at t-shirt niyang nasa 'kin.
Gulat pa rin ako sa nangyari at hindi ako makapaniwala. Habang nagkukuwento ay naaalala ko 'yung halikan nila at hindi maiwasang magalit.
"Talaga?!" aniya.
Tumango ako.
"Si Tom? Iyong ex mo?"
Tumango ulit ako.
Suminghap siya. "Naku... sobrang nakakatakot na palang magmahal ngayon. Akalain mo naman! Idol ko pa nga ang relasyon niyo kasi sobrang nakakakilig ang mga ginawa ni Tom sa 'yo tapos..."
Sinundan niya na lang 'yun ng malalim na buntong-hininga.
"Ikaw? Kumusta ka?" tanong niya.
"Ayos lang naman ako."
Nagtaas siya ng kilay. "Hindi ka nasaktan dun?"
"Of course, nasaktan ako 'no. Isang taon din pala 'yun. Gusto ko mang makipag-usap sa kanya, alam ko na kailangan ko munang pahupain ang galit ko kasi baka may masabi akong hindi maganda."
"Umiyak ka?"
"Oo naman."
"Eh, ba't parang hindi naman halata."
Nagkunot-noo lamang ako at tinapos ang sundae. Tumawa si Betty.
"Gusto mo si Stephen?"
I was never really vocal about it. Wala pa akong sinasabihan kasi takot akong malaman ng iba. Baka ano pa ang isipin nila dahil kaka-break pa lang namin ni Tom. Pero kailangan ko ng kausap.
Hindi man ako sumagot ay nakuha na niya ang ibig sabihin ng mukha ko.
"Kaya ba ayos lang sa 'yo na nakipag-break siya?" aniya.

BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomansaMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...