This is a work of fiction. Names, characters, business, events and incidents are the products of the author's imagination. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.
#TCGwp
--
Beginning
"Pumayag ka na kasi," pilit ni Betty.
Natigilan ako sa pagpapack ng relief goods at tumingin sa kanya. "Ayoko nga. Bilisan na nga natin 'to para matapos na tayo."
Bumuntong-hininga siya. "Yumi, it's just a blind date-"
"Iyon na nga, eh. Blind date. May boyfriend ako, Betty, alam mo naman 'yan, diba?"
She pouted and nodded. Nagpatuloy ako sa pagpapack ng mga ipapadala ng bangko na pinagtatrabuhan ko sa mga nasalanta ng bagyo. Ironic nga kasi sobrang init dito sa gym, pero pinagdasal ko na ayos lang sila ngayon.
Ilang araw na akong kinukulit ni Betty sa isang blind date. Ilang araw ko na rin siyang hinindian. Pero ayaw niya pa rin akong tigilan.
"Pero, diba, kung kaya 'yung gawin ni Tom sa 'yo, edi kaya mo ring gawin."
I sighed. "Hindi pa kami break. 'Tsaka hinala ko lang naman na may iba siya. Hindi pa naman 'yun confirmed."
"Yumi, a girl's instincts never fail!"
"Paano kung mahuli ako ni Tom?"
"Edi mahuli ka," aniya. "Magseselos 'yun for sure. Pero kung hindi, naku, kabahan ka na girl! Pero malabo yata. Busy 'yun sa ospital, diba?"
Hindi ako sumagot at nagpatuloy sa ginagawa.
Tom, my boyfriend for three years, is a med student. Kaya naman palagi kaming hindi nagkikita. Naiintindihan ko naman 'yun kaso nitong mga nakaraang araw ay hindi ko na siya maintindihan.
Hindi naman sa tinitingnan ko ang cellphone niya pero mas naging protective na siya. Minsan nahuhuli ko siyang nakangiti habang nakatingin doon. Palagi siyang may katawag kapag kami na lang dalawa.
"Classmate ko lang 'yun. Ina-update ako tungkol sa pre-surgical namin," sabi niya pa nang tinanong ko siya nung isang araw.
I know I should not be worried, pero may mali talaga, eh. Hinala lang naman lahat. Tama, hinala lang.
"Law student 'yun... kakilala ng pinsan kong kasama niya sa law school," pilit ulit ni Betty.
"Bakit ba kasi pinipilit mo ako?"
"To have fun! Palagi ka na lang trabaho nang trabaho. Tapos 'yang boyfriend mo naman, busy. Ewan ko kung sa med school ba busy o sa ibang bagay."
Pinagtapat ko ang mga labi habang tumingin sa kanya. "Betty..."
"Sorry na. Pero I'm just being realistic, Mayumi. Subukan mo lang."
"Hindi ako cheater, Betty," sumbat ko.
"Makikipag-date ka lang naman as a friend. Hindi naman big deal 'yun," aniya. "'Tsaka pogi raw. Para may bago kang kaibigan." Itinaas-baba pa niya ang kilay niya sa akin.
Bumuntong-hininga lamang ako.
"Tapos isipin mo lang na pinapaselos mo si Tom. Iyon lang. Alam naman natin ang epekto ng selos, diba? Ayaw mo nun? Babakuran ka na niya?"
Nagkunwari akong hindi nakinig at nagpatuloy sa pagpapack, pero hindi na maalis sa utak ko ang sinabi ni Betty. At the back of my mind, I badly want to bite the idea. Pero ayoko... masama 'yun... 'tsaka baka ano pa ang mangyari sa amin.
BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomanceMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...