08

2K 33 4
                                        

08

"Nasa labas na po si Kuya Tom," sabi ni Melay pagkatapos kumatok sa kwarto ko.

"Sige. Pababa na ako."

Bumuntong-hininga ako at kinuha na ang bag para lumabas na.

Hindi ko alam kung bakit mabigat ang loob ko. It seemed like meeting Tom became a burden. Alam ko naman kasi na mag-aaway na naman kami.

Nitong mga nakaraang araw ay palagi na niya akong sinusundo. Kung hindi nagkikibuan ay nagbabangayan naman. I just don't know what's wrong with me. Dati naman ay ayos ako.

Masyado na ba talaga akong pagod kay Tom?

Masyado na ba akong pagod sa relasyon na 'to?

Naabutan ko siya sa sala kausap si Mama. Sabay silang tumingin sa akin. Ngumiti si Mama habang si Tom naman ay sumeryoso. The moment I looked at his eyes, I knew something was bothering him... as if hindi siya kumportable na kaharap niya si Mama.

Inignora ko na lang 'yun kasi baka mali naman ako.

Baka hinala ko na naman.

At hindi totoo lahat ng mga hinala ko.

"Mauna na po kami, Ma," paalam ko.

"Sige, sige. Mag-ingat kayong dalawa, okay?"

"Opo," ani Tom.

Pinagbuksan kami ng pinto ni Mama. Ngumiti ulit ako sa kanya bago sumunod kay Tom patungo sa sasakyan niya.

It was silent like the past few days. Pero ngayon, nararamdaman ko na mukhang may sasabihin siya sa 'kin. Hindi ko na rin siya tinanong at hinayaan na lang.

"Are you busy later?" mahina niyang tanong.

I wanted to scowl. Talagang ako pa ang tinanong niya niyan, huh. He knew I could always make time.

"Hindi."

"Pwede ba tayong mag-dinner?"

It took me seconds to answer. "Oo."

"Sige. Susunduin kita."

"Okay," sabi ko.

Hindi na ulit kami nag-usap pa sa buong biyahe. Pagdating sa opisina ay dumiretso ako sa CR at pumasok sa isang cubicle.

Kunot-noo akong napapikit. The moment I closed my eyes, images of Stephen Vattiera played in my head, so I immediately opened it.

Kaagad akong hiningal sa kaba! Ano iyon?! Lumabas ako sa cubicle at nagtungo sa sink. I looked at my own reflection on the mirror.

What's wrong with me lately?

Simula noong umuwi ako sa bahay matapos naming magkita ni Stephen sa coffee shop, hindi na siya maalis-alis pa sa utak ko. Gusto ko siyang tawagan. But why?! Anong sasabihin ko? Na gusto ko siyang makita at makausap?

It's not wrong but it doesn't feel right.

Am I cheating?

This is cheating, right? I mean, not physically, but the way I wished that I'm with Stephen is bad! I have a boyfriend!

"Hindi naman siguro," sabi ni Betty nang sabihin ko sa kanya lahat sa lunch break.

Bumuntong-hininga ako at tinitigan ang baunan na hinanda ni Melay sa akin. Kahit masarap iyong menudo ay hindi ko makain nang maayos sa konsensya.

"Talaga?" I asked.

"Oo 'no! Huwag kang mag-exaggerate. Eh, ano ngayon kung mas iniisip mo si Stephen kaysa kay Tom? Natural lang naman 'yun."

The Cheating GameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon