05
The moment he said that, I choked on my food.
Literally.
Narinig ko ang halakhak ni Stephen at binigyan ako ng tubig. Marahan kong pinalo ang dibdib ko para kumalma. Ano bang pumasok sa isip niya?! Para akong mamamatay sa kaba sa sinabi niya!
"Relax ka lang," aniya sa pabirong tono.
I glared at him. "Next time, 'wag kang mag-joke nang ganun."
"Hindi naman ako nagjo-joke, eh."
Nanlaki ang mga mata ko ngunit natawa ulit siya.
"Bakit? Kinabahan ka ba?" he asked.
Oo.
Sobra.
"Hindi naman..." Tumingin ako sa pagkain. "Kilala ko kasi ang mga lalaking katulad mo."
"Oh, really?" Nagtaas siya ng kilay.
"You're the type of guy who wants fun," saad ko. "Sinabi mo na rin mismo nung blind date na mahilig kang makipagkita sa mga babae kahit walang commitment. Hindi kayo seryoso sa pakikipag-relasyon."
"You've got one point, Miss Salvejo."
I was disappointed but I hid it from him. Hinintay ko na itanggi niya 'yun. Na baka mahilig nga siyang mag-seryoso, pero hindi man lang siya nagpakipot.
"It's a waste of time," aniya. "Busy ako sa pag-aaral. Dating for fun is just a distraction from the world of law. Iyon lang."
"So, no attachments?"
Tumango siya. "Alam ko naman na darating din ang araw na magseseryoso ako tungkol sa mga ganyan... pero hindi ngayon ang oras."
Yumuko ako at itinuon ang pansin sa pagkain. I was... scared. Not sure why, but I'm sure I was.
"Oh, shit."
Nag-angat ako ng tingin at nakitang may dugo na tumulo mula sa ilong ni Stephen. He immediately wiped it using a napkin. Kumuha ako ng wet wipes mula sa bag at binigay sa kanya.
"Salamat," mahina niyang sinabi at tinanggap iyon. Pinahiran niya ang nagdudugong ilong.
Partida. Kahit may dugo na sa mukha, gwapo pa rin. Sinalinan ko ng tubig ang baso niya.
"Ayos ka lang?"
"Yup. It's normal. Sanay na ako." Mahina siyang humalakhak.
"Hindi 'yan normal. Nagpatingin ka na ba sa doktor?"
"Oo. Anemic daw ako," saad niya. "Kaya rin ako nagpunta sa ospital kanina."
Oh. Doon ko rin natanto na hindi naman talaga siya masyadong maputi. Sakto lang. Maputla lang talaga siya. Sobra.
Hindi namin naubos ang pagkain kaya pinabalot niya ito at pinadala sa akin. Kahit tumanggi ako ay hindi siya pumayag. Birthday ko raw, aniya. Nagpresenta rin siyang ihatid ako sa bahay. Dahil kumportable naman ako kay Stephen ay pumayag na lang ako.
His car smells like him. Expensive. Chic. Cool. Malinis din. Open window kaya hinayaan ko ang malamig na hanging tumama sa mukha ko.
Kahit anong tanggi ko, hindi ko maiwasang isipin si Tom at iyong babaeng kasama niya. It will always haunt me and I have no choice but to accept it.
"Kanina..." panimula ko. "Pumunta talaga ako sa ospital para puntahan si Tom, iyong boyfriend ko."
"Oh... The boyfriend." Ngumisi siya.
Iniwas ko kaagad ang sandaling pagtitig kay Stephen kasi ang astig niyang tingnan habang nagmamaneho.
"Tapos anong nangyari?" he asked. "Bakit ka umiyak? Nag-away ba kayo?"

BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomanceMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...