14
Malakas ang ihip ng hangin. Malamig ang simoy ng gabi.
Simula nang makarating mula sa trip ay nagkulong ako sa kwarto. Binati ko lang sina Mama, Papa, at Melay. Pagkatapos ay nagpaalam akong matutulog at nag-dahilan na pagod kaya hindi nila ako ginambala rito sa kwarto.
Mabuti rin 'yun. I don't want any distractions.
Mabuti na lang at wala na silang tinanong. Alam ko na gulat pa rin sila na may iba akong mga kabigan na hindi nila alam.
I slept but when I woke up, I was drowned by the confusion again.
May nag-text kaya bumangon ako para kunin ang cellphone sa bag. Inayos ko ang buhok habang binuksan ang mensahe at nanigas sa kinatatayuan nang mabasa ang pangalan ni Tom.
Tom:
Let's talk when you get home.
Napalunok ako at umupo sa pinakadulo ng kama. Malalim ang buntong-hininga ko. Hindi rin nakatulong ang sobrang malakas na ulan. Mas lalo kasi akong natatakot. But I know I have no choice. I have to.
Me:
I'm already home. Saan tayo magkikita?
Tom:
Susunduin kita diyan. I'll be there in 5 minutes.
I exhaled and put the phone on the bed. Nagbihis ako ng maayos na t-shirt at jeans. The rest of the time, I was blankly looking at the wall, contemplating everything that happened... everything that I felt...
Baka maayos ito lahat 'pag nakita ko na si Tom. 'Pag nagkausap na kami. Kailangan ko lang sigurong isipin nang maayos nab aka gusto ko lang si Stephen kasi siya ang nandiyan. Kasi wala si Tom...
"Ate, nandito po si Kuya Tom," sabi ni Melay pagkatapos niyang kumatok sa pinto.
"Palabas na ako."
With all my courage, I opened the door and went downstairs. Nakita ko si Melay at si Mama. Nakadungaw sila sa labas. Sobrang lakas talaga ng ulan at hangin kaya kumuha ako ng payong.
"Hindi mo ba papapasukin si Tom, anak?" ani Mama.
"Hindi na po. Baka kasi mabasa lang siya. May pupuntahan na muna kami saglit."
Binuksan ko ang payong at nagtungo na sa labas. Hindi ko pa rin naiwasan ang mabasa kaya tinakbo ko na lang papunta sa sasakyan ni Tom. He was kind enough to open the door for me.
The smell of his familiar scent lingered the moment I went inside. Kaagad kong niligpit ang payong at inilagay sa sahig ng backseat.
Tom offered me his handkerchief without a word. Tinanggap ko iyon at pinunasan ang sarili. Nagsimula na siyang mag-drive. Walang nagsalita sa aming dalawa. Kaagad rin akong nakaramdam ng pagkailang.
Hindi ko alam kung nasaan kami, ngunit huminto ang sasakyan sa isang driveway. Parang papunta ito sa bagong bukas na park. Hindi kami lumabas. Nang pinatay niya ang makina ng sasakyan, doon ko naramdaman na importante itong sasabihin niya.
"Anong pag-uusapan natin, Tom?" I asked.
Seryoso ang mga mata niya nang tumingin sa akin. Napalunok ako.
"Ano ba talaga ang pinunta mo sa Tagaytay, Yumi? Anong ginagawa mo dun?"
My heart pounded. Malamig na pero mas lumamig ang pakiramdam ko dahil sa kaba.
"I was invited..."
"By whom?"
"A friend."
Gumalaw ang kanyang panga. "Sinong kaibigan, Yumi? As far as I know, alam ko lahat ng mga kaibigan mo. I don't recall that you're friends with some law students..."

BINABASA MO ANG
The Cheating Game
RomanceMayumi Salvejo knows her boyfriend is cheating. I mean, the signs are already there! The only problem is that she's afraid to confirm it. She's afraid to know what will happen. That's where Stephen Vattiera, the law student who likes to have fun en...