*MANAMI'S POV*
Tahimik akong nag eensayo sa loob ng working studio namin.
Iilang araw nalang kasi ay performance na.
At oo sumali ulit ako sa isang dance troupe, kasiyahan ko na 'yun e.
^^
Mamaya pala pupuntahan ko si liit, titignan ko kung ayos lang siya, hindi kasi nakikinig sabi ko nga 'wag ng pumasok.
=_=
"Handa na ba kayo? Tara, umpisahan na natin," Tanong ng pinaka leader namin.
Tumango nalang kami.
Nagkalat na kami para pumunta sa nakaassign na pwesto, medyo nag sstretching naman ako habang papunta d'on.
"Nam," Saglit kong tinapunan ang nasa likuran ko bago pinag patuloy ang stretching.
"Oh?" Inaayos pa ang speaker kaya hindi ko muna iniintindi ang sayaw at patuloy na nag uunat.
Wala pa naman e.
"Mamaya pwede ka ba?"
Napa buga ako ng hangin ng lumagatok ang buto sa likuran ko.
Sarap.
"Baket?"
Magsasalita na sana siya ng sumigaw si Leader.
Inayos ko ang pag kakatayo, nang bumagsak ang beat ng kanta ay sabay sabay kaming sumabay sa ritmo nito.
Parang kanina lang tamad na tamad akong gumalaw pero ng marinig ang tugtog ay parang may sariling buhay ang katawan ko.
"UP AND DOWN!! SABAY SWAY SA KABILA TAAS KAMAY BAGSAK IKOT!!"
Ako ang isa sa harapan dahil isa daw ako sa magaling.
Syempre.
Nux angas.
Totoo naman na isa ako sa magaling dahil kakaiba daw ang enerhiya ko.
Parang hindi raw ako napapagod dahil kung gaano ako ka energetic sa unang sayaw ganun pa rin sa huling oras ng praktis.
Samantalang 'yung iba patang-pata na.
Ewan ko din, siguro base sa experience.
Mas punong puno ng sayaw 'yung school namin nung Highschool, kaya nasanay siguro katawan ko sa pag galaw.
Hindi rin kami pinapayagan masyadong uminom ng tubig n'un.
Kaya siguro adik na adik ako sa kakainom ng tubig.
"GO NAM!"
"GO MINJ!"
Sigawan nila ng ako nalang ang naiwan kasama ang partner kong babae.
Oo babae, dahil dedicated 'tong sayaw sa LGBT.
Hawak ko ang bewang niya sa isang kamay at ang mga paa't braso namin ay isinasabay namin sa tugtugin.
Iilang galaw pa ay nagpuntahan na ang ibang kasama namin at duon lang kami nag hiwalay.
Kasabay ng mga pag iingay ng mga paa namin sa lapag na sumasabay din sa tugtugin ng musika ay nag hahanda na kaming matapos.
Ilang hagod nalang ng katawan at outro pose ay sabay sabay kaming napahiyaw sa saya.
"Goodjob!" Saad ni Leader ng matapos kami.
Nakangiting nag pupunas ako ng pawis.
Napapadalas na din ang pagiging perfect ng sayaw namin ng walang kalat at magandang sign 'yun dahil malapit na ang performance.

BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
RandomBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E