Chapt 8 (Goodbye)

7 2 0
                                    

*ZACH's POV*

Pumunta ako sa ospital sa oras na alam kong wala ang pamilya ni Crion.

Agad kong kinausap ang Doctor.

Sinabi ko ang gusto kong mangyari, 'yun ay ang mabayaran ang lahat ng bayarin ni Crion. Pinanatili ko rin na sikreto ang pagkakakilanlan ko.

"Just keep my identity unknown Mr. Castro, tell them that it's all been paid,"

Umalis na ako dun at umuwi sa bahay. Nag umpisa akong mag empake at gumayak paalis.

"Goodbye, Philippines."

*MANAMI's POV*

Ang bigat ng pakiramdam ko pagkagising ko.

May sakit ata ako.

Pero kahit ganun ay sinikap ko parin na tumayo at mag ayos.

Naligo ako saka nagsuot ng uniform.

Nagsuot rin ako ng jacket dahil halos manigas ako sa tuwing humahampas ang hangin sa balat ko.

"Mom..." Bati ko kay Mom. Naghahati siya ng carrots at patatas ng batiin ko siya. Nagpunas agad siya ng kamay at pinagsilbihan ako.

"Sige na kumain ka na at para maihatid kita sa school mo."

"Mom, may bike ako kaya kong magpedal papuntang school." Medyo husky kong sambit. Napapikit ako ng makaramdam ng pagkahilo. Kailangan kong kayaning makapasok ngayon, hindi pwedeng hindi ako papasok.

"What's wrong?" Uminom muna ako ng tubig bago tumayo.

"Hindi na ako kakain, Mom, una na po ako."

"Here's your baon. Don't forget to call me if you need anything." Ngiti lang ang naiganti ko. Mabuti nalang na kahit halata sa mukha niya ang pag aalala ay hindi niya ako tinanong pa.

Pumunta na ako sa bike ko at tahimik na nagpedal.

Medyo nanghihina pa ako pero sinikap ko parin na makapunta sa school ng matiwasay.

Naglalakad ako papuntang room ko at bawat paghakbang ay siya namang panghihina ng mga katawan ko.

Kailangan kong pumasok, kailangan kong makita si Zach, kailangan kong makita si Crion alam kong magaling na siya ngayon, hindi siya naaksidente.

Sasalubungin ako ng pang aasar ni Crion.

Napahawak ako sa tuhod ko.

Putcha..umiikot ang paningin ko.

Just few steps Nami, You can do it.

Nakapunta ako sa room ng wala akong naabutang isa sa kaibigan ko.

"Y-You look...weird." Bungad ni Jiaruh sabay hinawakan ang braso ko.

"Mainit ka...or dahil lang sa jacket mo." Hinayaan niya akong makaupo sa upuan ko.

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon