CHAPT 18(Lies)

7 2 0
                                    

*MANAMI's POV*

Okay na kaya siya?. Nakapamulsa akong nag hihintay ako sa labas ng building nila Taru, hinihintay ko kahit isa lang sa kaklase manlang niya ang lumabas.

Para makapag tanong ako kung pumasok ba siya dahil di ko siya nakita kanina sa entrance ng school nung naghintay ako.

Na-late pa nga ako sa first subject sa pag hihintay sakaniya eh.

Hindi ko na ito nahintay kagabi, umiiyak siya at tumagal pa siya sa CR nila.

Umabot siguro siya ng isang oras o lagpas pa duon kaya umuwi na ako.

Nang makita ang isa sa mga kaklase niya ay nilapitan ko kaagad yun.

"Excuse me?" Nakuha ko naman ang atensyon niya.

"Yes?"

"P-Pumasok ba si Ms. Mitzuka?" Nag isip pa siya ng ilang segundo bago ako sinagot ng iling.

"Ah...sige Thank you." Ngumiti ito at iniwan ako.

Hindi siya pumasok?.

Kung ganon bakit kaya?.

"Nana!" Luigi..

Tumatakbo siyang patungo sa pwesto ko na may dalang dalawang bote ng tubig.

Ibinigay niya sakin ang isa pagkalapit na agad ko namang tinanggap.

"Bakit nandito ka?" Tanong niya.

"Hindi ko kasi nakita si Taru kanina. Kaya naghintay ako dito tapos sumaktong nakita ko yung isa sa kaklase niya tinanong ko kung pumasok ba siya," Mahabang paliwanag ko.

"Hindi siya pumasok," Sagot niya.

Oo, Lulu alam ko na.

"Anong dahilan?" I asked.

"Masama pakiramdam. Chineck ko siya bago pumasok ang taas ng lagnat," Huh?!.

Bakit nagkasakit siya?.

May napuntahan ba kami na nausog siya?.

O dahil sa pag sigaw niya ng pag sigaw sa akin duon sa gym?.

O baka naman...dahil sa pag iyak niya?.

"Nakakapagtaka talaga, Nana. Kasi ang kapatid ko na yun sobrang lakas ng resistensya, at di nagkakasakit. Yung huling beses ata na nagkasakit siya...10 years old siya? Or more younger," Paanong nangyaring nag kasakit siya?.

Halos buong araw naman kaming mag kasama kahapon..

At alam kong wala naman kaming nagawa..pwera lang sa pag iyak niya.

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon