ISHINTAROU's POV
Pinapanuod ko kung paano niya buklatin ang bill, at ngayon palang ay kinakabahan na ako.
Namamawis na ang kamay ko sa hawak kong 700 pesos, hinihintay ko lang siyang banggitin ang price para makapag split na kami ng bayarin.
"Magkano?" Pero hindi ako nakapagtimpi nang makita na siyang hinahanap ang wallet niya sa bag.
"3,000," Usal niya.
Jusko...kung iisipin, baon ko na 'yun sa loob ng isang buwan ah.
"Wait..." Parang nataranta siya habang naghahanap sa loob ng bag niya.
"Bakit?"
"Nawawala ata wallet ko, hindi ko ata nadala.."
"Ha?..." Tuluyan nang nagblock out ang utak ko.
Paano na kami neto? Isa 'to sa anxiety ko eh! Ang hindi makapag bayad sa restaurant tapos gagawin ka nalang dishwasher.
(っ╥╯︵╰╥c)
Hindi ko kaya 'yon..hindi ko kakayanin ang hiya..
"A-Ah..anong gagawin n-natin?" Kita ko ang kaba sa mukha niya nang nagkatinginan kami.
Nag isip naman ako nang nag isip hanggang sa nakaisip ako ng paraan.
"What if ano..uwi muna ako? Tapos maiwan ka dito, kunyari kumakain ka pa tapos ako uuwi muna para kumuha ng pera," Ayun magandang ideya.
"O-Okay lang ba?" Tanong niya. Tumango ako at dali daling tumakbo palabas.
"TARU!" Hindi pa ako nakakalabas ay tinawag na agad niya ako.
"Bakit?" Nang hinarap ko siya natagpuan ko siyang nakahawak pa siya sa tiyan niya at namimilipit sa kakatawa.
"Huh?" Duon na tuluyang bumulyak ang tawa niya nang muli akong nagtatakang nagtanong.
Anong nangyayari?.
"Ano ba, Nam? Umaandar ang oras baka pasukin tayo dito, masira ang plano natin, ayokong maging dishwasher," Mas namula ang mukha niya sa kakatawa sa sinabi ko.
Ano ba kasing meron.
"Bakit ba kase?" Nangingiyak na siya bago naisipang tumigil.
"Binibiro lang k-kita..pffffft.." Tawa nanaman.
Dahil sa inis sa sinabi niya, binato ko ang hawak kong pera sa mukha nito.
"Bahala ka nga! Dagdag mo 'yan! aalis na ako! Bwisit!" Tumakbo na ako palabas kahit pa tinatawag niya ako.
Nakakainis napahiya pa ako sakaniya, gustong gusto niya talaga na inaasar ako, may ganti ba 'yung pagbili niya ng pagkain sakin kanina?.
Mainam nang binigay ko ang pera sakaniya, ayun nalang ang bayad ko sa sarili kong kinain, para wala na akong utang na loob sakaniya.
Bwisit siya, bwisit ka talaga Nam.
Kailangan niya pa bang magbiro ng gan'on! Hindi niya alam na halos magpalpitate na ako sa kaba!
Sa kasamaang palad, wala akong nakikitang jeep sa labas ng restaurant, puro taxi, kaya naglakad nalang ako para pumunta sa kanto, duon pa kasi ang sakayan ng mga jeep, medyo malayo layo dito, kaya need ko pang maglakad sa loob ng 30 minutes.
Medyo madilim na kaya kinakabahan din akong maglakad sa ganito kadilim na lugar---
"AHHHHH!!!" Napatili ako sa sobrang gulat.

BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
De TodoBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E