Chapt 15 (who's he?)

4 2 0
                                    

*MANAMI's POV*

Hindi ko alam kung inaasar ba o sinusubok kami ng panahon.

Kahit na ayoko ay nakakaramdam ako ng kaunting tampo kay Crion.

Kung ako kasi ang nasa sitwasyon niya...

Hindi ko hahayaang dalhin o umalis kami ng pamilya ko ng hindi ko naiiform ang mga kaibigan ko.

Syempre maiisip mo na walang pakealam sayo yung kaibigan mo kapag bigla ka nalang niyang iniwan ng walang pasabi diba?.

Kaya kahit mainis ako kay Kai dahil sa masasakit ang salitang sinasabi niya kay Crion, hindi ko pa rin siya masisi.

Kahit ako ay nakakaramdam din ng ganun, pero kinontrol ko lang.

Triny kong tawagan si Crion.

Pero hindi niya yun sinasagot.

Napapaisip rin ako kung malinaw bang nakita ni Roi na si Crion yung inaalalayan.

O baka naman pinilit lang nilang alalayan si Crion para maisakay yun sa wheelchair?.

Alam kong...may mali.

May mali sa mga nangyayari.

Unti unti kaming nagkakahiwalay.

Ayokong dumating yung time na may humiwalay pang isa sa aming tatlo nila Roi.

Lumalabas na nga ang pagkakengkoy at pagkakulit na side ni Kai eh.

Gusto ko pa siya mas kilalanin dahil siya yung taong sobrang masikreto.

Ayokong isipin na baka siya ang susunod na umalis...

O 'di kaya si Roi.

Sobra akong nanghihina.

"What!" Gulat na ani ni Ate sabay takip ng bibig niya.

Nang naikwento namin nila Roi na pati si Crion ay lumipad na paibang bansa.

"Kahit kami ay nagulat, Sun. Marami kaming tanong. Sobrang daming tanong pero di kami makahanap ng sagot, at tanging si Crion lang ang makakasagot ng mga yun." Roi. Tumango ako.

Kailangan namin na bumalik si Crion para masagot na ang mga tanong namin.

Isa na rito ang tanong sa..

Bakit siya umalis ng walang pasabi?.

"May alam ba si Zach dito?" Tanong niya. Nagkatinginan kaming tatlo nila Roi.

At sabay na umiling.

Hindi pa kami handa.

"Hindi pa kami handa, saka baka di pa niya kayang tanggapin yun." Kai.

Natigil muna kami saglit ng dumating si Mom at nilapag ang pitchel na may lamang juice.

"Maiwan ko na muna kayo dito, alagaan niyo ang bahay at mayroon lang akong aasikasuhin." Bilin ni Mom.

"Sige po."

"Bye Mom." Humalik kami ni Ate sa pisngi niya.

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon