*CRION's POV*
Nanatili akong tahimik hanggang sa matapos mag away sila Mama.
Kahit pigilan ko silang mag away hindi sila titigil, hindi sila makikinig sakin.
Hindi naman nila magawang saktan ang isa't isa ng pisikalan.
Hanggang salita lang sila.
Umuwi ako ng late sumabay pa na lasing si Papa.
Kaya ayun, nagalit si Mama at nagbunganga saamin.
Syempre si Papa ang mas nadiin dahil pinagtatanggol niya ako na binata na ako at kaya ko ng dalhin ang sarili ko.
Pero iba talaga pag si Mama ang nag salita, buti nga't nakakaya ni Papa na makinig.
Kasi kung ako yun...hindi ko alam kung anong kaya kong magawa.
Akma akong magsasalita pero naitikom ko nalang ang bibig ko dahil lumipat sakin ang nag aapoy na mga mata ni Mama.
Yumuko nalamang ako.
You're so weak Crion.
"Ayan ba yung matinong anak na sinasabi mo Alberto!? Patigil tigil nga sa pag aaral yan! Tignan mo yung mga kaklase niya nuon! Sa edad na 17 may sarili ng business!" Lumunok ako. Kalma lang Crion.
"Mga pabigat talaga kayo sakin! Palainom ka! Walang hiya ang anak mo! Buti na nga lang at nandiyaan si Andre, siya lang yung nakakatulong sakin!. May mararating ka pa ba Crion?!" Duon lang muling tumingin sakin si Mama at dumuro sakin.
Blangko ko lang siyang tinitigan.
"Wala kayong kwenta! Ni kahit katiting di niyo ko binibigyan ng pahinga! Ano Crion? Hanggang diyan ka nalang? Highschool!? Umayos ka nga! Sayang sa panahon Crion! Sayang yung pinapabaon ko sayo."
Pinapabaon na 100 pesos lang sa loob ng dalawang linggo.
"Buti pa yung anak ni kumareng Felici! Graduate na ng college! Nagtatrabaho at naibabalik na sakaniya yung mga paghihirap niya nuong pinapag aral niya pa lamang ito!."
"Gayahin mo yun! Napakaresponsableng bata!. Tignan mo rin itong si Kumpareng Ador! Hindi magawang mag inom! At walang dala dalang sakit sa ulo sa asawa!."
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
RandomBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E