MANAMI's POV
Medyo natatawa pa ako habang naglalakad pabalik sa classroom.
Paano ba naman kasi, napag usapan namin kanina ni Sobea, iyong nakabangga ko kanina, 'yung babaeng nagtitinda sa karinderya, nasa nuo kasi 'yung kilay niya.
Tapos sobrang funny din nito, as in ngayon lang ako nakakita ng babae na maganda na tapos nakakatawa pa ang ugali.
Kitams hanggang ngayon natatawa pa rin ako.
Medyo napagaan niya ang loob ko kasi talagang badtrip talaga ako kanina.
Maaga pa naman, kasi maaga rin natapos 'yung test namin kanina sa history kaya siguro kasabay namin kanina 'yung mga sophomore mag break.
Kaya hindi ako masyadong kinakabahan na mabagal akong maglakad.
Maiintindihan naman ni Lu na badtrip ako sakaniya kaya hindi ako sumabay.
Ewan ko lang kay Taru--
"ARAY!" Napasigaw ako sa sakit sa taong kumalmot sa'kin.
"BAKIT BA!" Napatigil siya sa pag sigaw ko.
Hindi ko kasi gawain 'yun sakaniya, pati rin ako nagulat pero bahala na.
Hindi ko rin alam kung bakit pati sakaniya nababadtrip na rin ako.
"Sinisigawan mo ba 'ko?" Umiwas ako ng tingin.
Mukhang ako pa ata sasamain dito ah.
"Bakit ba?" Pero tinuloy ko pa rin kung anong tono ko kanina, kinakaya kaya niya ako minsan palibhasa hindi ako lumalaban.
"Nagmukha akong tanga d'on! Ako lang mag isa!" Natigilan ako sa narinig.
Siya lang mag isa?.
"Asan si Luigi?" Tanong ko.
"Malay ko ba d'un kay Kuya..ikaw na nga lang hinihintay ko eh." Hinahaplos niya ang sleeve ng jacket niya, gawain niya 'yan sa tuwing emosyonal.
Duon ako tila nakaramdam ng awa, kahit mataray 'tong tao na 'to hindi talaga mapagkakaila kung gaano siya kabait na tao, hindi ko alam kung bakit ko 'to sinasabi ngayon kahit hindi naman ito konektado sa kaputanginahan na ginawa ni Lui pero isa lang ang gusto kong sabihin.
Tangina ka talaga Luigi.
"Hindi ba nagsabi sa'yo si Lulu?"
"Mukha ba? Hindi nga ako pinapansin kanina nuong pinuntahan ko, nasayang lang 'yung oras ko, sabi ko pa naman sagot ko na kayo kasi binigyan ako ng pera ni Kuya Bryan..." Pahina ng pahina ang boses niya, nakayuko na rin siya. Hinila ko siya palapit sa'kin para yakapin.
Ayos lang sana kung ako lang ang naghihirap ngayon sa pagitan naming dalawa, pero pati 'tong kapatid niya nagawa niyang gawing tanga.
"T-Tapos mukhang masaya ka pa kanina 'pag pasok mo sa entrance na parang walang naghihintay sainyo, hindi niyo manlang ako sinabihan na hindi kayo sasabay.."
Hinaplos ko ang buhok niya ng maramdaman ang panginginig niya.
Grabe, parang nag sama sama na lahat ng sama ng loob ko.
Hindi ayos kung anong ginawa sa'kin ni Luigi kanina pero mas lalo namang hindi maayos kung si Taru ang ginanito niya.
Lagot ka talaga sa'kin.
"Tara." Saad ko sabay hila sakaniya palakad.
"Woi s-saan tayo pupunta?"
"Saan pa ba, e'di sa kuya mong siraulo," Sinasagad sagad ako ng isang 'yon.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
CasualeBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E