Chapter 30(tanga)

2 0 0
                                    

Manami's POV

Hay nakooo! ang tanga tangaaa talagaa, bakit ko naman 'yun nasabi? Bakit ko naisip na sabihin ang bagay na 'yun?.

Ngayon ko lang tuluyang napagtanto kung gaanong katangahan ang nagawa ko kung saan nakahiga na ako sa kama.

Gusto kong bawiin ang oras kung saan hindi ko pa tuluyang nasabi 'yon.

Tanginaa talaga Manami!.

Napasubsob nalang ako sa unan ko at walang sawang sumigaw.

-

"May sasabihin ka ba?" Kunot nuong tanong ni Taru. Kumamot ako sa ulo.

"Kinukuto ka ba o ano? Kasi kung wala ka namang sasabihin, mauna na ako." Tumalikod na siya at nag umpisang maglakad.

Para naman akong napipe, hindi ko alam kung pipigilan ko ba siya o hindi.

"Nga pala..'yung sinabi mo kahapon, sana naman totoohanin mo 'yun, mahal ka ni Kuya, Mahal na mahal, kaya kung ginawa mo lang 'yun out of anger, you're the worst." Duon ako parang binuhusan ng malamig na tubig. Ngayon lang siya nagsalita ng ganiyan sa'kin.

Unti unti akong kinakain ng konsensya, hindi ko na alam kung anong gagawin, itutuloy ko ba o hindi?.

Nang makapag isip isip ay mabilis akong tumakbo para mahabol si Taru.

"Taru!" Mukhang wala naman siyang naririnig at patuloy lang sa paglakakad o ang mas magandang sabihin, tumakbo, bumilis kasi ang lakad niya nang marinig ako.

Hindi naman mahirap sa'kin na mahabol siya, kaya nang magawa 'yun ay agad kong niyapos ang kamay ko sa kamay nito.

"Ano ba!" Masyadong madilim sa pwesto namin, hindi ako sigurado kung totoo bang luha ang nakikita ko sa mukha niya.

Umiiyak ba siya?

"Umiiyak ka ba?" Hahawakan ko na sana ang mukha niya para kumpirmahin pero maagap niyang napigilan 'yun.

"Hindi, bakit ba?"

"A-Ah..kahapon..t-totoong sasagutin ko naman talaga ang kuya mo..p-pero hindi pa a-ako handa ngayon eh,"

"Bakit mo sinasabi sa'kin 'yan? At bakit ka nagpapaliwanag?" Hindi ko alam pero parang may nag uudyok sa'kin na ipaalam 'yun kahit na hindi niya tinatanong.

"P-Para kung sakali mang hindi ko masagot muna ang kuya mo...hindi ka magagalit sa'kin," Importante siya sa'kin, siya nalang ang nag iisang taong kayang kaya kong takbuhan, hindi ko kakayanin kung pati pa siya ay lumayo na rin.

"Kung ganun naman pala bakit mo pa nasabi 'yun kahapon?" Dahil sa katangahan..ewan ko siguro dahil ayokong maputol agad ang pag uusap namin nung oras na 'yon kaya kahit wala ng kwenta ay sasabihin ko pa rin.

'ayang walang kwentang tinutukoy mo, nagbunga na ngayon'

"Bahala ka sa buhay mo Manami," Hindi ko napansin na napatagal pala bago ako sumagot kaya ngayon ay lumalakad nanaman siya palayo sa akin.

Wala nalang sa sarili akong umuwi ng dala dala ang bigat sa mga paa ko.

-

Harabi's POV

Nagising ako ng wala sa sarili, mabuti nalang talaga at hindi ako nagkasakit ngayon. Umikot ako patagilid sa kama ko at saglit na pumikit bago napagdesisyunan na tumayo para mag ayos.

"MITZUKA absent?" Sumakto na nakarating na ako sa harap ng room bago ako matawag ni Ma'am.

"Here Ma'am.."

Tahimik nalang akong naupo sa upuan ko pagkatapos ng napakahabang sermon na may kasama pa na pang dodown sa pagkatao ko ang mga sinabi ng Prof.

Hindi ko pala nakita si Kuya Lui kanina sa bahay, hindi na ako nag expect na maaabutan ko siya, maaga rin kasi ang pasok ng tao, sabi niya kagabi habang nasa hapag kainan kami ay may aasikasuhin siya, at hindi ko na alam kung ano 'yun.

Dumaan ang ilang subject at hinayaan na kaming magtake ng breaktime.

Kinuha ko sa bag ang maliit na libro.

Hindi ako gutom o kahit uhaw, gusto ko nalang magbasa muna para mabawasan ang bigat na nararamdaman ko, simula nung isang araw hindi talaga siya nabawasan.

Nag umpisa na akong maglakad papunta sa nakasanayan kong tambayan tuwing may free time.

'Woohooohhh naks pree!'

'kilig naman akooo aaaaaAAA'

'Sheesh'

Magpapahinga na nga lang mag iingay pa, unang beses ko lang naranasan na makarinig ng ganung mga klaseng sigaw kaya medyo naintriga ako.

Pasimple lang akong sumilip sa kumpulang mga estudyante sa gitna ng tinatambayan ko.

Kung saan mismo ang pwesto ng tambayan ko ay duon din mismo sila nagkukumpulan.

Sumama ang timpla ng mukha ko at nagpameywang na hinintay na malagas ang mga tao sa parte na 'yon.

Hay nako.

Hihintayin ko nalang silang mawala, tambayan ko 'yun sanay na ako na duon palaging nakaupo o nakasandal, ayokong pumunta sa iba, 'yung ibang estudyante nga ay nasusungitan ko pa para lang umalis d'on.

Ayoko rin naman na gumawa ng gulo kung sakali mang magtaray ako sakanila, kaya papabayaan ko nalang ang unti unti nilang pag alis.

Medyo nakakaramdam na ako ng pagkabagot pero hindi rin naman nagtagal ay nag alisan na sila.

Para akong natutop sa kinatatayuan, nag sisi ako na hindi ko inisip na umalis nalang dahil nakita ko pa si Nam, ang masama duon pati si Kuya Lui.

Ayos lang sana kung hindi lang sana sila magkayakap.

Alam kong iba na 'yun.

Si Nam, ayaw na ayaw niyang niyayakap siya ni Kuya, pero iba ngayon, mukhang walang bahid na naglalaban siya sa yakapan nila.

Parang may malaking palasong bumulusok sa dibdib ko, ito na ba 'yun?.

Ito na ba 'yung sinabi niya?

Hindi ko pa ata kaya, ang lakas lakas ng loob kong sabihin kahapon na 'wag niyang bibiguin si Kuya pero ano na 'to.

Mukhang tinablan ako ng sakit, tinablan ako ng kahinaan, duon lang nag sink in sa'kin na ginusto ko rin naman na sagutin niya si Kuya.

Tumalikod na ako para hindi na sila makita pa.

Simula't sapul pala ay hindi ka naging akin, o ni kahit magkaroon ng kahit kaunting feelings para sa'kin.

Naalala ko pa nga kung paano niya sinabi na tinuturing niya akong kapatid, sobrang sakit pero tingin ko hanggang duon nalang talaga.

Hanggang dito nalang siguro talaga tayo Manami, hindi ko sukat akalain na nag assume pa ako na posibleng magkaroon ng tayo kahit na sobra sobra ng pananakit ang ginagawa ng tadhana.

Naging bulag ako sa mga motibong ipinapakita mo, na kahit mga klarong ebidensya ay hindi naging malinaw.

Ngayon..kailangan ko nalang maging masaya para sakanila.

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon