CHAPT 17 (Sakit)

5 2 0
                                    

*MANAMI's POV*

"Twenty four..."

"T-Twenty five..."

"Faster, faster." Usal ni Taru. Nagdesisyon akong mag exercise dahil nag gagain na ako ng fats.

Pero ang loko loko ay pinapagpush up ako.

Ngayon tuloy ay hirap na hirap na ako pero pinipilit ko parin.

Paano ba naman kasing di ako mahihirapan? Habang nag e-exercise ako ay kumakain naman siya.

Alam naman niyang weakness ko ang pag kain.

"Hoy!! Sabi ko bilis hindi tigil! Dali dali anim pa!" Nakagat ko ang labi sa sobrang istrikto niya.

Kaya muli nanaman akong gumalaw.

"T-Twenty-five..." Bakit ba naman kasi siya ang pinili kong mag ga guide saakin?.

Eh wala naman siyang ginagawa kung hindi ang tignan lang ako at kumain.

Diba dapat ay dinadamayan niya ako? O di kaya'y nag gaguide?.

Pero bakit ganiyan?.

Huhu ang sakit kaya.

"Twenty-eight..."

"Hoy hoy hoy! Maduga ka! Twenty-eight ka diyan! Twenty-six!" Bumabalik ang ugali niyang panay ang sigaw.

Kalahati ay natutuwa. Kalahati naman ay nababadtrip ako.

Bakit ganiyan ang ugali niya..wala manlang siyang awa saakin huhu.

"T-Twenty-six." Akala ko pa naman ay makakalusot.

Habang kumakain kasi ito ay nagdudutdot sa selpon niya kaya akala ko ay pwede na akong makalusot.

Hindi parin pala.

"Twenty-seven..."

"T-Twenty-eight.."

"T-Twenty-nine." Napadapa ako sa pagod.

"Galaw! Ano yan ha? Isa na nga lang ay sumuko ka na!" Nakangusong gumalaw ulit ako.

"Thirty!" Pahiga akong bumagsak.

Pawis na pawis na nagpahinga ako.

Tapos narin sa wakas!.

Kung ganitong pinagod na niya ako sa push up paano ko naman kaya magagawa ang iba pa?.

Eh pinagod na niya ako ng sobra.

"Oh mag punas ka." Sabay bato saakin ng bimpo.

Bago pa tumama sa mukha ko ay nasalo ko na yun.

Hmpk akala niya huh.

"Ano ang sunod nating gagawin?" Aniya.

Tumaas ang kilay ko.

"Natin? Anong natin? Baka ako lang? Ako lang kaya ang nag eexcersise dito. Hindi mo nga ako tinutulungan eh." Napameywang naman itong tumayo sa paanan ko.

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon