Manami's POV
Nag retouch muna ako sa harap ng salamin, nakakabaliw pero kailangan kong maging prisentable sa itsura ko ngayon, nakadress pa naman ako kaya hindi pwedeng masira ang make up.
Tinignan ko muna ang bawat gilid ng CR sa sobrang boring, baka kasi hindi tanggapin ng tiyan ko 'yung mga pagkain na ihahain nila at masuka ako, kaya mabuti ng masiguro kong maayos ang faucet.
Minsan ganiyan talaga kaselan ang tiyan ko, 'wag na kayong magtanong.
Mabuti nalang at maayos naman ang daloy ng tubig, malakas.
Inayos ko ang suot kong dress pati na rin ang lagay ng buhok ko bago maisipang lumabas.
Nang maisara ko ang pintuan ng kwarto ay gayon din nang maramdaman kong hindi na ako nag iisa sa kwarto.
Mabilis pa sa alas kwatro akong tumingin sa likuran at nagulat sa nakita.
Palipat lipat siya sa upuan na wari bang sinusuri lahat ng upuan sa harap ng table.
Bakit siya nandito?.
"Nasa'n si Lulu?"
"AY ANAK NG KOKAK!" Napatayo siya sa gulat nang marinig ako.
"Nandito ka na pala?" Pinahid ko ang kamay sa dress na suot ko dahil nang makasalubong nito ang lamig ng aircon ay awtomatiko itong lumamig.
"Oo, at bakit ikaw lang mag isa?" Hindi nakaligtas sa'kin na siyasatin ang suot niyang slack, bagay sakaniya, nag mukha siyang matangkad.
(Picture's above for reference)
"Ano kasi...b-biglaan kasing may emergency si Kuya Lui, kaya sinabi niyang mauna na ako dito," Ahh.
"Bakit kasama ka pa?" Actually medyo nakaramdam ako ng tuwa nang makita siya, atleast hindi ako sobrang maaawkwardan kasi may kasama kami ni Lu.
"Hindi naman kasi dapat! Hindi ko rin naman ginusto na isama niya ako, pinilit niya lang ako na mauna kasi baka mainip ka kakahintay," So bale pinapunta lang siya ni Lulu dito para may kasama ako habang naghihintay? E'di hindi pala siya ang may gustong sumama?.
At bakit ba siya pasigaw, wala pa nga akong ginagawa eh.
"Tatanong lang eh.." Nangungusong usal ko bago tumabi sakaniya.
"Ano ba! bakit tumabi ka sa'ken! Pwede ka naman duon na umupo, tutal mas malapit d'on!" Ang labo naman, bakit ba ayaw niyang tumabi ako sakaniya eh sa mas maganda ngang magkalapit kami para..
Para ano?
...............
╮( •́ω•̀ )╭
Hindi ko alam, pero basta mas nakakaramdam ako ng comfort 'pag mas malapit ako..napakaarte naman kasi eh.
Ishintarou's POV
"Duon ka ngaaa." Tinulak ko siya para malipat siya sa ibang upuan.
Hindi na nga ako makahinga nang maayos kapag malapit siya sa'kin, dagdag pa na ang ganda ganda talaga niya sa suot niya..
Ayoko lang sabihin kasi baka lumaki nanaman ang ulo, pero bagay ang pagkakahapit ng damit sa katawan niya, pati na rin ang pagkakabagsak ng buhok nito.
Palagi ko naman siyang nakikitang nakalugay, kaya nga lang hindi buo, tinatali niya pa ng messy bun 'yung taas, iba lang talaga ngayon kasi hinayaan na niyang nakaladlad lahat.
Nasisilaw ako sa ganda niya, mas lalo akong nahihirapang kasama pa siya dito sa loob, NANG KAMI LANG DALAWA.
"Ang ganda mo ngayon.." Nahigit ko ang hininga nang marinig ang sinabi nito.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
RandomBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E