Manami's POV
Palabas na ako ng pinto nang makita ko si Mama, nag sabi naman na ako sakaniya at gaya ng sinabi ko kay Ate Sunny, ganoon din ang paalam ko.
"'Nak?" Mahigpit akong napakapit sa sling bag ko habang may maliit na boses sa utak ko na nagtatalo sa anong pwedeng sabihin.
Sana naman hindi na siya magtanong, kasi pati ako hindi ko na alam ang pwede kong gawing dahilan, baka mabago pa ang masasabi ko kumpara sa nasabi ko kay Ate Sunny.
"M-Ma?"
"Pahatid na kita sa bahay nila Ishin?" Pilit akong ngumiti sabay iling.
Gustuhin ko man dahil baka magusot pa ang damit ko kung magbabike ako, pero ayun lang ang pwede kong gamitin, diskumpyado pa ako sa family driver namin dahil isa rin 'yon, malamang sa malamang hindi pwedeng magsinungaling na sa iba ako hinatid.
May pagkikitaan kami ni Luigi, at hindi 'yun sa mismong bahay nila, ayaw daw kasi niyang kutyahin siya ng pamilya kapag nakitang mag dedate kami, well ako rin naman.
Nilabas ko ang bike na nakaimbak sa loob ng garahe, nalinis ko na 'yun kanina, ito munang luma ang gagamitin ko dahil nasira 'yung bago.
Kinuha ko ang iilang hibla ng buhok na tumatabon sa mukha ko at inilagay iyon sa likod ng aking tenga, bago naisipang sumakay sa bike, mabuti nalang kamo at mahaba ang suot kong dress dahil makakapagpedal ako.
At isa pa sa dahilan ay papayagan akong mag bike, kung makita nilang maikli ang suot ko, para akong makikipaglaro sa apoy sa sitwasyong papasukin ko, katakot takot na sermon muna ang tatanggapin bago ako tuluyang makaalis.
Huminga ako ng malalim bago inikot ang tingin ko at muntikan pa akong mawalan ng balanse sa pagkakaupo nang matanaw ko ang mukha ni Ate Sunny sa bintana ng kwarto niya.
Taena naman Ate.
Nang magtama ang tingin namin ay maliit siyang ngumiti bago kumaway, wala akong nagawa kung hindi tumango nalang.
Nag umpisa na akong pumedal at hindi rin naman nagtagal ay nasilayan ko na ang pag aagaw dilim, ang ganda talagang mag bike kapag ganitong oras, at the same time nakakabitin din, mabilis lang kasi 'yon na dumadaan.
In-enjoy ko nalang nag scenery na nakikita ko at pinagpatuloy ang pagpadyak hanggang sa makita ko na nga ang pagkakainan namin.
Maraming magagarbong kasuotan na mga babae at lalaki na naglalabas masok sa restaurant na 'yon, hindi ko alam lung babagay ba ang suot ko ngayon.
Pero bahala na, may pera rin naman ako, kung tutuusin ay kaya kong bumili ng sampung VIP room sa loob ng restaurant na 'to eh, pero malalagot ako kung pati 'yun ipagmamayabang ko pa kahit kay Mama naman galing 'tong pera ko.
(◞‸◟ )
Hindi ko alam kung anong sasabihin nang makapasok na ako, hindi naman bago 'to sa'kin pero hindi ko alam kung anong table ba ang pina-reserve ni Luigi.
Kanina ko pa siya tinitext pero wala akong nakukuhang sagot, ayoko rin naman na tumayo lang dito sa labas, nakakahiya naman 'yon, bike na nga lang ang gamit ko, tapos paghihintayin pa ako sa labas.
Ibig kong sabihin..hindi kasalanan 'yun ni Luigi, kasalanan ko na nakakaramdam ako ng hiya ngayon.
"Yes Ma'am? You wanna take a reservation?" Medyo kinabahan ako dahil ang usually na kumakausap sa ganito ay si Ate Sunny kaya hindi ko alam kung paanong salita ba ang sasabihin ko, kailangan ko rin ba mag english? Tagalog nalang kaya? Hayyy.
"U-Uhm No, i just wanna know if there's any reservation for--" Agay, 'di ko alam kung pangalan ko ba ang sasabihin o 'yung kay Luigi, ano ba, bakit sa tuwing ganitong sitwasyon hindi ko makuha ang sasabihin.
"Luigi.." Ayun nalang nag nabanggit ko at tumingin sa taas, nag iisip kung ano pang sasabihin ko.
"Okay Ma'am, may i know the surname of the person you were talking about?" Ano nga ulit apilyedo nila? Manami? Ay gagi, ako pala si Manami, Mitsuka? Mitsuko? Mitzuka? Mitzuko? huhuhu.
"M-Mitzuka.." Napansin ata ng receptionist na kinakabahan ako kaya medyo napapatingin siya sa'kin.
"Is this your first time, Miss?.." Nagtatanong na tono niya, siguro inaalam ang pangalan ko.
"..Manami,"
"Miss Manami?.."
"Yes Sir," Tipid lang siyang ngumiti.
"Luigi Mitzuka, am i right?" Pinakita niya sa'kin ang papel na hawak niya at mababa naman akong tumango.
"This way please," Napahinga nalang ako ng malalim at maliit na nagpapasalamat sa sarili dahil hindi ako nagkamali, well done.
Sinundan ko lang siya hanggang sa makapunta kami sa isang VIP room.
Isang malaking kwarto ito na may nakapwestong isa din na malaking lamesa sa gitna.
Wala pang tao sa loob kaya i assumed na wala pa si Lulu.
Malamang tanga ka.
"Seat anywhere you please, Ma'am, if you need a help just use the telephone..." Saad niya sabay turo sa telepono na nakalagay malapit sa pintuan.
"..and we will try our best to help you and to reach your satisfaction," May maliit pa kaming naging usapan tungkol sa mga dish nila, ipinakita niya rin 'yung menu na nakapatong sa ibabaw ng mesa, ipinaliwanag niya rin ang mga specialty ng restaurant.
Natutuwa naman akong makinig sa mga sinasabi niya, gusto ko pa nga sanang samahan niya ako sa loob kasi nakakaboring kung ako lang mag isa pero tingin ko hindi 'yun pupwede.
Sayang naman, pogi pa naman.
Umupo ako sa upuan, at infairness hindi malambot pero hindi rin matigas, para akong tanga sa kakaganito dahil medyo matagal na rin kasi nung huli kaming kumain sa labas kaya nakakatuwa na makapasok ulit ako sa ganito.
Kapag hindi na kami busy nila Mama, aalukin ko ulit sila kumain sa labas, hindi ako nagbibiro na 'yung time na wala na rin sila Roi, ayun na rin 'yung last na nakapasok ako sa mga restaurant.
Japanese restaurant our favorite one.
Itong pinasok ko.. sa sobrang kaba hindi ko na pinagtuunan ng pansin alamin kung ano nga ba, halo halo kasi nasa Menu kaya hindi rin ako makahula kung anong restaurant 'to.
Mabuti nalang at may CR din sila dito sa loob kaya naisipan ko munang gumamit.
Dala rin ng kaba kanina kaya ako nakaramdam ng ihi.
![](https://img.wattpad.com/cover/207900733-288-k322312.jpg)
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
RandomBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E