CHAPTER 41(Hate)

4 0 0
                                    

ISHINTAROU'S POV

Kinabukasan ay pumasok agad ako, hindi pa gaanong magaling ang paa ko pero ayoko namang tumambay sa bahay, nagpacheck up kami kanina bago ako pumasok at sinabing need ko ng pahinga.

Pero hindi ako nakinig, ewan ko ba, siguro dahil gusto kong makita si Nam, hindi ko rin siya nakita buong magdamag, kaya ako na mismo ang naghintay sa labas ng building nila.

Dahil nga sa may pilay pa ako sa paa, mabagal lang ang pagkakalakad ko, hindi na rin ako nagtaka nang makapunta sa building nila ay naabutan ko pa siyang malalagpasan ako.

"Nam!" Mukhang hindi naman niya narinig dahil maraming estudyanteng nakapaligid sakaniya.

"Nam!" Nawawala na siya sa paningin ko kaya napatakbo na ako para lang maabutan pa siya ng tingin.

"Manami!" Nag uumpisa nang sumakit ang paa ko kaya sinigaw ko nalang ang pangalan niya, mabuti at napansin ako ng kaibigan nito kaya agad siyang tinawag para ituro ako.

Bumakas agad ang pagkairita sa mukha niya, pero lumakad din palapit sa akin.

"Bakit ka ba nandito?" Hinila niya ako sa gilid, hindi na lang ako nagpahalata na nasasaktan ako habang lumalakad dahil baka mainis nanaman siya sa akin.

"Gusto kitang makausap.." Nagkunwari akong hindi siya napansin nang makita kong palihim siyang sumisilip sa paa ko.

"Kinakausap mo na'ko ngayon,"

"Nam..gusto kita.." Duon ay parang naubusan siya ng pasensya.

"Alam mo umuwi ka na, mukhang gutom ka eh, saka 'yung kapatid mo naghihintay r'on sa labas," Paalis na sana siya nang tinawag ko siya ulit.

"Matagal na kitang gusto, Nam..." Ewan ko kung bakit 'yun lang ang lumalabas sa bibig ko.

"AT ANONG GUSTO MONG GAWIN KO?!" Nagulat ako sa biglaan niyang pagsigaw, ito rin ang unang beses na ginawa niya sa'kin 'to.

Wala pa sa alas kwatrong nangilid ang luha ko sa inasal niya, mukha namang natauhan siya at lumambot ang hagod ng mukha.

"Tumigil ka na, Ishin. Ano bang gusto mong gawin ko? Gusto mo pag usapan na'tin 'yung nangyari nung gabi na 'yon? Nadala lang ako okay? Gusto ko lang itry. Wala akong interest sa'yo, hindi ko rin alam kung bakit ako pumayag na mangyari 'yun..nag sisisi ako." Mahabang lintanya nito bago umalis. Pinipigilan ko nalang na umiyak talaga dahil maraming estudyanteng dumadaan.

Naglakad nalang ako palabas at naghanap ng jeep na masasakyan, ayoko na munang sumakay sa bike ni Kuya, alam kong nanduon din si Nam.

Ngayon na nga siguro ang oras na kailangan ko ng lumayo sakanilang dalawa.




"Nasaan si Ishin??" Hindi na ako binalot ng kaba nang marinig ang boses ni Kuya Lui kapag pasok palang sa bahay.

Isang oras na ang nakakaraan nang makauwi ako, wala rin si Kuya Bry at si Mama lang ang sumalubong sa'kin kaya sermon nanaman ang inabot ko.

Mabibilis na bagsak nang paa ang narinig ko patungo sa kwarto. Kalmado lang akong nagbabasa, medyo hindi ko na rin magalaw nang maayos ang paa ko dahil sa nangyari.

"Bakit ka umuwi?? Kanina pa ako naghihintay sa school mo, sana nagsabi ka na mauuna kana, ang tagal tagal kong naghintay 'ron!" Parang bumaliktad ang sitwasyon at siya na ngayon ang galit na galit.

"Nauna na rin si Nam kanina, hindi ko na nahatid kasi hinintay pa kita," E'di nirereklamo niyang sana nagsabi ako para maihatid niya si Nam?.

Tsk.

Tumagilid ako para talikuran siya, mukang nagalit pa siya dahil pabagsak niyang sinarado ang pinto.

Wala na rin akong pakealam.

Ilang araw din ang dumaan na hindi ko talaga kinakausap si Kuya Lui, kahit anong pilit niyang mag umpisa ng usapan, wala talaga siyang napapala sa'kin, kaya mas pinipili nalang niyang manahimik.

Mabigat din naman sa loob ko at pakiramdam ko ay unti-unti nang nawawala ang bond naming dalawa.

Hindi ko naman ginagawa 'to dahil lang sa wala o sa sarili ko, ginagawa ko 'to para rin sa aming tatlo, kung lagi akong lumalapit kay Kuya, malaki ang tendency na lagi ko rin makikita si Nam, hindi makakatulong 'yun sa'kin.

May times na nagkikita kami ni Nam sa school pero pareho rin naming pinipiling 'wag magpansinan.

Until dumating ang time na may performance sa school, which is sasayaw sila, lahat ng ka-year level namin ay free ng araw na 'yun para manuod, kaya wala akong kawala, makikita ko talaga siya.

Hindi na sana ako dadalo pero mapilit ang kaibigan ko, wala raw siyang kasama at saka manlilibre raw kaya hindi ko na kailangan gumastos kung sakali mang magutom kami.

Wala naman ako sa sariling nagpapahila nalang sa kaibigan ko habang iginagaya niya ako papasok sa loob at duon daw kami umupo sa harap pero duon na ako umapila.

"Ayoko, duon ako sa likod," Makikita niya lang ako eh, isipin niya pang gusto ko siyang mapanuod.

"Sige na nga," Napapayag din siya dahil daw napapayag naman daw niya ako sumali, at saka baka raw umalis ako 'pag hindi kami magkatabi.

Posible.

Maraming tao, syempre, lahat ba naman gustong mapanuod ang group nilang sumayaw, panong hindi, eh sobrang sikat sila sa school, maappeal at may maipag mamalaki pagdating sa itsura.

Halos lahat nga ata sila may sinasabi sa buhay..

Kanina pa ako naiinip sa kinauupuan ko at kating kati na akong umuwi, wala talaga akong ganang manuod sakaniya, wala rin ako mismong pakealam kamo.

Hindi ko pa siya nakikita ngayon pero alam kong kahit papaano, nawawala wala na ang feelings ko sakaniya.

Paano ko nasabi? Well.. Kapag nakikita ko siya sa school, normal nalang, kahit magkatitigan pa kami, wala akong ibang nararamdaman kung hindi inis at pag kaawa sa sarili ko.

Naawa ako sa mga pinag daanan ko, pag papapansin ko, effort, oras.

Hindi naman sa gusto kong ibalik niya 'yung nararamdaman niya sa'kin..

Ang gusto ko lang 'wag niya akong layuan..kaya ko naman limitahan ang sarili ko.

Pero 'di mo nagawa, kaya nga siya dumistansya sa'yo.

Ayun na nga..kaya siguro kasalanan ko rin..pero may kasalanan din naman siya dahil pumayag siya..

Siya na rin ang nag initiate ng pangalawang halik.

Palibhasa nagkagusto sa straight kahit na alam ko namang masasaktan lang ako...

Saka ko lang naalala nung unang beses na nakita ko siya..Fourth year Higschool, sa canteen..

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon