chapt 10 (Bike)

6 2 0
                                    

*MANAMI's POV*

Habang nagpepedal ay naalala ko ang mga pinagdaanan naming magkakaibigan.

*FLASHBACK*

Iyak ako ng iyak dahil aalis na si Roi. Pupunta siyang states at hindi ko alam ang dahilan. Ayaw niya at ng pamilya niya sabihin ang dahilan.

"Nam...'wag ka ng umiyak." Pagpapatahan ni Roi sa'kin.

Pero dahil sa sobra akong nalulungkot ay 'di ako nagpapaawat.

"Wag mo kaming iiwan, Roi."

"Babalik rin naman ako eh." Niyakap ko siya ng mahigpit.

"P-Please stay." Humihikbing saad ko. Nagkatinginan sila nila Crion.

"Pero kailangan." Ilang beses ko pa siyang pinilit na 'wag umalis pero hindi ko siya napigilan.

Hinatid namin siya sa airport. At hindi pa rin ako tumitigil sa kaiiyak.

"Babalik ako, i promise." Hinalikan niya ang noo ko at nagpaalam sa amin.

"Ingat tol." Crion

"Ingat." Kai

"Mag iingat ka bro, tawag tawag nalang." Zach. Tumango lang ito.

"Ingat, Roi." Si Ate.

"Wag ka ng umiyak, kapatid."

"Babalik siya 'di ba?"

"Syempre."

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon