*ROI's POV*
Dumaan ang mga araw na hindi kami pinapansin ni Nam.
Panay na rin ang pag labas niya ng walang paalam.
Hindi tulad nuon na alam namin dahil nagsasabi siya.
Ngayon ay hindi na.
At hindi nakakatuwa yun.
Imbis na maging maayos kami hindi nangyayari.
Si Kai na dapat ay umiintindi kay Nam ay hindi narin magawang umintindi.
Nagagalit pa siya at sinisisi na rin pati sila Crion na wala namang kasalanan at kinalaman dito.
Ako nalang talaga ang gumagawa ng paraan.
May pagkakataon na sumsagot si Nam sa akin pero halatang naglalakbay ang isip nito sa kung saan.
Sumasagot siya na tila bang ipinaparating na ayaw niya akong kausap.
Sinubukan na rin ni Kai na kausapin siya pero nakatanggap siya ng wala.
Alam naman namin na mapride siyang tao.
Pero mahirap sa amin na umaabot ng ilang araw ang ginagawa niya ngayon.
Nasanay kaming isang araw lang ay bati na ulit kami.
Mas nahirapan pa kami dahil wala sila Crion.
Usually ay si Crion ang dahilan kung bakit siya bumibigay.
Siya kasi ang mapang asar sa amin.
Dagdag pa na may pagkaslow si Zach kaya ayun.
Pero pag sa amin ni Kai. Hindi naman kami tulad ng ugali ng dalawa.
"Anong gagawin natin?" Tanong ko. Busy si Kai sa cellphone niya.
"Kakain? Iinom? Magsasaya? Name it." Medyo na inis ako sa inasal niya pero hindi ko na ito inintindi pa.
Baka pati siya ay lumayo rin kung magagalit ako.
"Naisip mo pa talagang mag saya sa sitwasyon na 'to ah?" Natatawang wika ko. Tinignan niya lang ako at muling ibinalik ang atensyon sa ginagawa.
"Kung tulungan mo nalang akong humanap ng paraan na maging maayos tayo nila Nam." Yun nanaman ang tingin na sinasabing 'again-look'.
"Hindi ka ba napapagod, Roi?"
"Bakit ako mapapagod eh kaibigan naman na'tin 'yun." Deretsang sambit ko.
"Kung kaibigan tayo nu'n, hindi siya lumalayo sa'tin ngayon."
"She just need some time." Naiiritang tumingin siya sakin.
"Need some time? Pu-ta! Eh ilang araw na ang dumaan oh! Hanggang kailan ba ang gusto niya? Isang taon? Pang habang buhay? T-ng ina pala niya eh." Duon na ako nagalit sa inasal niya.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
RandomBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E