Chapter 28(Zach)

4 0 0
                                    

*ZACH's POV*

It's been awhile..hindi ko alam kung masaya ba akong nandito ulit ako sa pilipinas o malulungkot, maraming ala ala rito na hindi ko alam kung kaya ko bang malimot...

May mga pag kakataon talaga na pipilitin nalang natin ang ating sarili na limutin ang mga masasakit na nakaraan upang makahakbang tayo sa panibagong baitang.

Ngunit parang napakahirap nitong gawin kung masyadong komplikado ang nakaraan na gusto mong hanapan muna ng sagot para makaramdam ng ginhawa.

"We are here.." Dumilat ako nang maramdaman ang mahinang pagtapik ni Gunther sa tabi ko, siya 'yung kasama ko sa abroad.

Tinulungan naman niya akong ibaba ang gamit ko at nauna akong lumakad pababa ng eroplano, walang emosyon kong sinalubong ang malakas na hampas ng hangin sa katawan ko.

Again.

Nandito nanaman tayo..ano nanaman kaya ang naghihintay na maaaring mangyari sa pansamantalang pag uwi ko dito sa pinas.

-

"Zach?" Nakangiting bungad ko sa harap ng bahay ni Kai. Siya ang una kong pinuntahan dahil siya lang naman ang alam kong nandito pa sa pinas bukod kay Nam, nabalitaan ko kasi na nasa ibang bansa ulit si Roi kaya hindi na ako nag abala pang puntahan siya.

"Yes, bone and flesh," Saglitan kaming nagyakap bago niya ako pinapasok sa loob.

"Upo ka diyan, kuhaan kita ng maiinom," Pasimple akong natatawa sa pagkataranta niya habang naglalakad.

Alam kong ginagawa niya lang normal ang lahat kahit gulat pa siya at hindi rin makapaniwalang nandito ako.

Iniwan ko muna si Gun sa bahay, sinabi kong kailangan ko munang bumisita sa mga kaibigan ko kaya maiiwan ko siya, mabuti nalang ay mabilis siyang kausap at mabilis pumayag.

"Kumalma ka lang pre," Paalala ko nang muntikan niyang matapon ang inumin na hawak niya.

"Nambibigla ka naman, hindi ko akalain na ngayon ang dating mo, wala ka manlang pasabi," Halata talaga sa mukha niya na wala siyang ideyang uuwi ako.

"Surprise," Natatawang sambit ko at uminom.

"Tss, you know i don't like surprises, pero masaya ako na nandito ka ulit..panigurado mas matutuwa si Nam kung makita ka,"

"Tingin ko rin, ang tamlay ng bungad mo sa'kin tol," Nagtawanan kaming dalawa.

"Pasensya ka na, halos kakagising ko lang kasi kaya wala pa ako sa sarili," Nag umpisa na kaming mag usap ng mga bagay bagay at kung ano man nangyari nung nakaraan.

Pinipilit kong ilihis ang usapan kapag napupunta na kay Crion o 'di kaya'y sa nangyari nuon dahil hindi pa ako handang pag usapan 'yun.

Sa kalagitnaan ng pag uusap namin ay biglang may tumawag sakaniya kaya panandalian akong nanahimik.

Saglitan lang naman silang nag usap at parang namomroblema rin siyang tumayo sa kinauupuan niya.

"Bakit?" Kinain na ako ng kuryosidad nang makita siya sa lagay na 'yan.

"It's Manami, nasiraan siya, imposibleng nasiraan isang 'yon ng walang dahilan, bagong bago lang 'yung bisikleta nu'n eh," Bisikleta?.

"Bike pa rin ang gamit niya?"

"Oo," Tumayo ako nang may maisip na plano.

"Can i have your keys?"

-

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon