Manami's POV
Sabi niya kahit hindi na ganun kagarbo ang suot ko, hindi na rin kailangan na nakadress ako kung hindi naman daw ako komportable.
Paano nga ba nag umpisa na napunta kami sa ganitong sitwasyon hays.
Basta ang pagkakaalala ko nalang natapos ang usapan namin kahapon sa date date na 'yan.
First time ko lang din makipag date.. ibig kong sabihin ay 'yung romantic date ba.
Tignan mo at para akong baliw sa harap ng salamin na pumipili ng idadamit ko para mamaya.
Umaga palang hindi na ako magkanda ugaga sa susuotin, hindi naman ako talaga consious dati sa kung ano mang suotin ko, pero ewan ko ba ngayon.
Palibhasa ay unang beses ko kaya siguro ganito nalang kung paano ako umasta.
Taena naman, halos lahat ng pang alis kong damit ginamit ko na pangbahay.
Hays kagagahan mo Nam, ngayon saan na ako kukuha ng damit ha?.
AH! Alam ko na!.
*engggg*
"Ate Sunny?" Naabutan ko siyang nagtitipa sa Laptop niya, mukhang nakaabala pa ata ako.
"Why?" Nitong mga nakaraan napapadalas na rin ang pag seseryoso ni Ate, siguro dahil na rin nalalapit na ang kanilang midterm exam.
"Uhm..."
"Pumasok ka," Dahan dahan ko namang sinarado ang pinto niya at naupo sa kama.
"What?"
"Uh.." Napakamot nalang ako sa ulo nang hindi ko masagap ang tamang sasabihin ko.
"Walang magagawa ang uhm, uh mo diyan Nam, use your words,"
...( ・᷄ὢ・᷅)...
"Hiram sana ako ano.."
"Buohin mo ang salita mo," Taray! Napanguso nalang ako habang nilalaro ang mga daliri ko.
"Hiram ako sana damit." Tuloy tuloy kong saad bago tumingin sa gilid ng mukha niya, pinapanuod ang magiging reaksyon.
Tinanggal niya ang gamit na salamin at humarap sa'kin suot suot ang nagtatakang mukha.
Oo na, pati ako ay naninibago sa ginagawa ko ngayon, 'yung huli kasing hiram ko sakaniya is 'yung first year highschool palang ako, ayun ay 'yung time na kailangan ko ng palda sa cheerdance namin.
"Bakit?"
"Eh..ano.." SHET! Sino sino sino sinoooo ang gagamitin ko para hindi niya maisip na makikipagdate ako.
"Ano? May sayaw ba ulit kayo?" Hindi ko pwedeng sabihing sayaw dahil mamaya rin ang magiging alis ko, baka mas lalo siyang maghinala kung ganun.
Saka aattend sila Ate sa sayaw ko, hindi ko pwede talaga gamitin 'yoon, mahahalatang nag sisinungaling ako.
"Uh.." Mas lalo rin na hindi siya maniniwala kung sila Kai ang gagamitin kong dahilan, panigurado kung sila ang magagamit kong dahilan, posibleng tawagan sila ni Ate.
At kahit na anong hiling ko na pagtakpan nila ako, never 'yun mangyayari, kaya ganiyan katiwala sila Mama sa mga kaibigan ko, kasi kahit ni isang beses hindi nila 'yun ginawa.
Lalo naman kung gagamitin kong dahilan si Luigi, ban nga siya dito sa bahay 'di ba? Kita mo pati si Ate inis din sa taong 'yon.
"Manami," Nabalik ako sa katinuan.
"Saan mo nga gagamitin?" Mas dumoble ang kaseryosohan ng boses niya kaya kinabahan ako.
"Si..si.. Taru.." Sorry Taru, ikaw nalang ang naiisip kong dahilan.
"What's with Ishintarou? Hihiramin niya ang damit ko?" Pwede na si Taru, tutal hindi naman ni Ate alam na kapatid niya si Luigi.
"Hindi!...a-ah..lalabas kasi k-kami ni Taru,"
"Date?"
"O-Oo parang ganun na nga pero as a friend lang okay, hindi na rin kami nakakapag bonding..tatry lang sana namin na kami kami lang muna," Kung hahayaan niya pa akong magsalita, paunti unting mawawalan ng saysay ang sasabihin ko at mabubuking niya ako.
"Okay!" Sa wakas!.
Pinabayaan na niya akong mamili ng damit sa walking closet niya, wala rin naman siyang pakealam o hindi naman siya mag bibigay malisya sa kung ano mang damit ang mapipili kong hiramin as long as alam niya kung bakit ako manghihiram, cool na siya duon.
Sinarado ko ang pintuan para malaya kong masukat ang mga damit niya.
"Manami, ayusin mo diyan pagkatapos mo ha?
"Opo." Hindi naman lahat ng damit ni Ate Sunny ay pang babae, may mga damit din naman siya na unisex.
Sana naman may magkasiya sa'kin na damit dito ano, maliit kasi si Ate, medyo mataas lang ng kunti kay Taru at balingkinitan ang katawan.
Medyo natawa ako nang makita ang isang cotton na sando, ewan ko kung anong eksaktong tawag pero basta sando.
Kahit na alam ko sa sarili kong hindi ko 'yun gusto at maliit para sa'kin sinukat ko pa rin.
Napahagalpak nalang ako ng tawa nang tuluyan ko ng masuot.
"Manami?"
"Sorry!" Tinakpan ko ang bibig at muling tinignan ang suot ko.
Hanggang pusod ko lang siya hindi pa nga ata umaabot, nagmukha akong batang pinakakasya ang damit ng sanggol sa sarili niya.
Tinanggal ko nalang at muling nag ikot.
Ayos talaga ng kwarto ni Ate ah, hindi halatang favorite ni Mama, siya rin ang may pinakamalaking kwarto kumpara kay Mama at sa akin.
Siguro katas din ng pag arte niya 'to kaya ganito nalang kung karami ang mga damit niya, 'yung iba dito alam kong ibinibigay nalang sakaniya sa mga taping at pictorial niya bilang artista.
Napatigil ako sa isang manequin kung saan nakasabit ang pinaka perpektong damit na eksaktong eksakto sa mismong style ko.
"Gusto mo 'yan?"
"Ay anak ng butiki!" Hawak hawak ko ang dibdib na napaatras ako sa pader.
"Ate naman!"
"Bakit?" Natatawang tanong niya bago lumapit sa damit na tinitignan ko at inayos ayos pa ang tela nito.
"Ginugulat mo 'ko..."
"Maganda 'to 'no.." Medyo inaamoy amoy pa niya.
"Galing ba 'yan sa pictorial mo te?"
"No, regalo sa'kin ng...make up artist ko.." Napansin ko rin ang medyo pag tigil niya nang nabanggit ang taong 'yon.
Siguro importante talaga siya kay Ate Sunny o baka may samaan sila ng loob kaya ganiyan kalungkot ang mukha niya.
Sapakin ko atay nu'n eh, kung may magiging samaan man sila ng loob tingin ko ay kasalanan niya rin, kitang ang bait bait ni Ate eh.
"Hiramin ko na 'yan ah?" Tumango lang siya sabay labas na ng kwarto.
Isinawalang bahala ko nalang 'yun at maingat na tinanggal sa pagkakapatong ang damit.
Sobrang ganda talaga nito..wala akong masabi.
(Picture's above for reference)
![](https://img.wattpad.com/cover/207900733-288-k322312.jpg)
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
LosoweBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E