*Flashback*
ISHINTAROU'S POV
Fourth year High School, 3:10 PM at canteen.
Kulang nalang umiyak ako kanina sa klase dahil sa sobrang baba ng nakuha kong score, jusko naman kasi! Bakit mas inuna ko pang manuod ng kdrama kaysa mag review.
Kakainis! 'Yung kaibigan ko pa hindi bibili ng pagkain dahil may baon siya, kaya ending mag isa akong pupuntang canteen ngayon, hindi naman sa ayokong mag isa, pero kasi parang ganun na rin..
( ・᷅ὢ・᷄ )
Nasanay na akong kasama siya palagi, tapos kahit anong pilit ko na samahan ako, ayaw, baka raw mapagastos siya kapag nakita 'yung mga pagkain at makalimutan niyang nag iipon siya.
Napatakip nalang ako sa tenga nang biglang may malakas na tawanan akong naririnig sa canteen.
Sila nanaman 'to ̄へ ̄.
Ang tinutukoy ko lang naman 'yung mga sikat na apat na lalaki na may kasamang isang babae.
Transfer lang ako sa school kaya hindi ko pa sila nakikita, naririnig ko lang palagi pero hindi ko sila tinitignan, i bet mga panget naman 'yan eh.
Ganun din 'yon nung nasa past school ko, sikat din dahil maraming kaibigan, maraming nagkakagusto pero hindi naman mga pogi, kumbaga kaya sila nagugustuhan kasi sikat.
Aburido akong pumasok sa canteen, at sa sobrang bilis ng pangyayari, naramdaman ko nalang ang malamig na yelo sa mukha ko.
Napatigil ako at unti unting dumilat.
Punyeta. Ice cream..
"Sorry Miss!" Sa sobrang inis ay hindi agad ako maka angat ng tingin.
Sa boses palang naiirita na ako sa laki, panigurado, tulad siya ng mga babae na tinatawag ang sarili nilang boyish, ayaw sa make up, at one of the boys na malandi.Napakuyom ako nang kamao habang pinapakinggan siya sa sinasabi niya, nagpapaliwanag pa eh, kung hindi naman niya ginustong maging balingbing at kung ano anong pinag gagawa sa canteen, e'di hindi mangyayari 'to!.
(╯‵□′)╯︵┴─┴
"Aba'y dapat lang na kunin mo 'yun an--"
(╯' - ')╯︵ ┻━┻
..
┬─┬ ノ( ' - 'ノ)
Hindi ko rin alam kung bakit ako napatigil sa pag sasalita nang makita ang mukha niya, bukod sa sobrang puti na ng mukha ay may pulbos pa.
Napaiwas ako ng tingin, amoy na amoy ko ang panglalaking pabango niya, hindi rin naman siya mukhang malandi tulad nung mga nakikilala ko at teka nga lang, hindi ba dapat galit ako!.
--
Ang alam ko lang halos palagi akong badtrip sakaniya, pero ang totoo ginagawa ko lang magalit para maalis sa puso ko 'yung tuwa 'pag kasama siya.
Palagi ko rin pinapagalitan ang sarili ko sa mga pagkakataon na napapansin kong nakangiti nalang ako kapag nakikita ko siyang sumasayaw, hindi nga lang sayaw, kundi kahit sa simpleng pag tawa, at pag ngiti niya.
Kung alam ko lang na maaagaw pa siya sa'kin ni Kuya Lui ngayon, sana nung una palang ay pinormahan ko na siya.
'at sino ka naman para maisip na kahit nauna ka ay may pag asa ka?'
Sabagay, isa rin iyon sa dahilan kung bakit natatakot akong ipag tapat kay Nam ang nararamdaman ko, bukod sa straight siya, ayoko rin na mapahiya dahil surebol na idodrop niya lang ang confession ko, and she'll probably would dump me as her friend.
Tulad ngayon. Hindi ko rin talaga makuha sa babaeng 'yon kung bakit nagagalit siya sakin, at ako lang ang sinisisi niya ngayon.
Kasalanan ko bang masyado akong maganda para matukso siyang halikan ako pabalik.
<(。_。)>
Kidding aside. Siguro huli na talaga 'to, focus nalang din ako sa school, nalalapit na rin kasi ang prelim namin ngayon.
At kung wala na talaga siyang pakealam sa pinagsamahan namin, hindi ko na 'yun ipipilit pa.
Kinuha ko ang ointment at pinahiran ang iilang galos sa braso ko, hindi ako mapakali minsan sa kati, galing pa 'to duon sa pagkabagsak ko nung nakaraan.
Napasimangot pa ako nang may nakatulak sa'kin nang mahina.
Mabalik tayo.
Nagmamahal lang naman ako, pero bakit hindi lang emotional ang atake, pati katawan ko dinadamay, sayang naman 'yung bili kong lotion.
Saka mali rin talaga na pinapantasya ko ang girlfriend ng kuya ko, kahit na ako naman unang nakakilala sakaniya.
(︶︿︶)
Kaya i let it this way. Whatever and whoever come my way, ako nalang ang mag aadjust na mag iba ng daan, oo.
Hayaan ko na sila. This will be the last. Sapat na ang ilang araw na paghahabol ko.
Teka bakit ba 'ko nag e-english.
╮( •́ω•̀ )╭Siguro dahil sa sobrang pagod ko, ngayon lang kasi ako napagbigyan na ilabas 'yung tunay kong nararamdaman kay Nam.
Kaya hindi ko na pinalampas na hindi mag effort na iparamdam sakaniya 'yun, kaso sa loob ng ilang araw na pagiging aso ko kakasunod sakaniya para lang kausapin niya ako, wala akong napala kung hindi sugat at sakit.
Kinalabit ako ng kasama ko nang lumabas na ang emcee. Tinago ko na rin ang ointment sa bag ko.
Mas gugustuhin ko pang matira nalang sa loob ng room kaysa pumunta dito.
Inikot ko ang tingin ko, nandito rin pala ang mga senior namin. Sila Nam kasi ang nagdadala rin ng eskwelahan, mas malaki ang hatak nila kaysa sa mga athlete. Kaya kapag may event silang gaganapin, halos lahat ng level pwede pumunta para manuod.
Nakita ko naman sa medyo kalayuan si Kuya Luigi. Syempre mawawala ba naman 'yan. Ang hindi ko lang talaga maintindihan, bakit palaging nakapaligid sakaniya 'yung ga-gangster gangster sa school nung highschool kami, porket mga senior high sila that time.
Hindi ko rin makuha 'yung vibe nila, ang bigat talaga, ibang iba 'yung datingan ni Kuya Lui na medyo malamya, na para na s'yang bakla, sa datingan nilang malalaki ang ulo.
Naka akbay 'yung isa na kung hindi ako nagkakamali ay Jocel ang pangalan, may binubulong siya kay Kuya Lui at dalawa silang tatawa.
ಠ~ಠ
Bakit ba siya nakikipag kaibigan sa mga 'yan eh alam naman niyang ayaw 'yun ni Nam.
Ano bang pakealam ko, eh si Nam nga walang pake sa'kin, tapos nangengealam pa 'ko.
"Huy saan ka ba nakatingin? Mag u-umpisa na silang sumayaw," Usal ng kasama ko. 'Pag tingin ko palang sa harapan ay saka naman paglabas isa isa ng mga dancers.
Hindi ko naman pinansin ang pag lakas ng kabog ng dibdib ko nang makita si Nam.
Ano nanaman ba 'to.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
RandomBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E