ISHINTAROU'S POV
Halos wala na akong tulog sa loob ng araw na 'to, pero pinilit ko nalang na gumalaw para mabuhat ang sarili ko papuntang school.
Hindi naman bago sa'kin nang walang tulog, nakakasanayan ko na rin dahil buhay college, maraming ginagawa. Pero iba ngayon, parang lutang ang isip ko, hindi ko na rin namalayan na nakapunta na ako sa school kung hindi pa sinigaw ng tsuper ang pangalan ng lugar kung saan ako bababa.
Sabay sana kami ni Kuya Lui na papasok, kaso nakalimutan niya atang kasabay niya ako.
Kapag pasok pa lang sa school, may iilan akong naririnig na usapan, at naririnig ko ang pangalan ni Nam, syempre, sikat siya sa school kaya hindi na bagong marinig siya.
Hindi ko na ulit pinansin, pumasok na ako sa room ko at sinimulan ng makinig sa diskusyon.
Ni kahit anong pagpilit kong intindihin ang topic, tila walang nagpoproseso sa utak ko, hindi pa rin talaga mawala sa isip ko si Nam, si Kuya Lui, pareho sila.
Balak ko rin puntahan si Manami mamaya para pag-usapan ang nangyari kahapon.
Feel ko lang na kailangan siyang pag usapan, hindi ko man alam kung paano sisimulan, pero bahala na.
Nang medyo tumagal na ang oras ko sa school, saka lang ako medyo nababalik sa sarili ko, kailangan ko rin na gawin 'to para hindi naman ako magkalat habang kausap si Nam.
Agad akong lumabas para salubungin sana si Nam sa labas ng building nila, pero naubos nalang ang mga tao, hindi ko pa rin siya nakita.
Pumasok ba siya?.
Hinanap ko lahat ng tambayan niya, hindi naman ako nagkamali na inuna kong puntahan ang garden, dahil duon siya palaging nakatambay, at tama ako nanduon din siya ngayon.
Nakatulala lang siya na parang malalim ang iniisip, hindi na ako nag atubiling lumapit sakaniya.
"Nam.." Napansin ko ang mahina niyang pagbuntong hininga.
Hindi kaya naaalibadbaran na siya sa'kin? Ano ba 'to..pinapag overthink niya ako masyado.
"Nam!" Tumayo siya at akmang aalis sana nang agad kong nahawakan ang bag nito.
"Ano ba?" Parang may panang tumusok sa puso ko nang makita ang pagka badtrip sa mukha niya.
"N-Nam?..P-Pag usapan na'tin 'to p-please?"
"Ano ang dapat pag usapan, Ishin?" Panibagong sakit nanaman ang humampas sa dibdib ko.
Ishin? 'Di ba dapat T-Taru?.
"W-Wala," Tuluyan ng umatras ang dila ko sa gusto ko pang sabihin.
Hindi niya ngang gustong makausap ako, sabi ko na nga ba, kaya pala iba ang pakiramdam ko kagabi kasi ganito ang mangyayari.
Expected ko na 'to..na lalayuan niya ako, na aayawan at pandidirian, ang mali ko lang, nag expect din ako na may konting atraksyon siya sa'kin..
"Pakibitawan ang bag ko."
"P-Pwede ba akong sumabay sa'yo pauwi?" Kinapalan ko na ang mukha ko. Sinagad ko na rin ngayon, tutal sinabi niya na rin dati na kung kailangan ko ng masasakyan pauwi, 'wag akong mag dalawang isip na sumabay sakaniya.
Hindi ko na rin tinignan pa ang mukha niya, kasi mas nasasaktan ako kapag nakikita na naiinis siya sa'kin.
"No, may kasabay ako pauwi." M-May kasabay siya?.
"Sino?"
"Pwede ba? 'Wag kang tanong nang tanong," Pinipigilan ko nalang talaga na 'wag lumabas ang luha ko sa sinasabi niya.
Ngayon lang siya naging ganito.
"B-Bawal ba akong mag t-tanong--"
"Oo,"
"P-Pero 'di b-ba sabi m-mo dati, p-pwede ako sumabay k-kung wala akong masakyan?"
"Wala ka bang masakyan? Kitang may araw pa eh, marami pa ngang naglalabasan, imposibleng wala kang masasakyan, 'Tsaka para manahimik ka na, kasabay ko boyfriend ko pauwi."
Tuluyan na akong napatingin sakaniya.
B-Boyfriend?
"H-Ha? P-Paano? 'Di ba manliligaw m-mo si Kuya L-Lui?" Halos nauubusan na ako ng boses sa pagtutulak na magsalita kahit pa may bumabara pa sa lalamunan ko.
"Siya nga ang boyfriend ko." Ha...
Hindi na ako nakapagsalita at napatitig nalang sa lapag.
"Kaya sorry, nagmamadali na rin kasi ako kase naghihintay na 'yon sa labas, pinaayos niya lang 'yung gulong ng bike ko, naflat-an kahapon eh," Hindi pa rin ako gumagalaw habang tila isang sirang plaka na nag papaulit ulit sa utak ko lahat ng sinabi niya.
Hinihimay himay ko pa para mas maintindihan dahil kahit anong pilit kong gawin, parang nauubusan ako ng pag intindi, o baka..mas pinipili lang ng puso ko na hindi maintindihan.
"Ishin?.." Nabibingi na ako kahit pa ilang beses niya akong tawagin.
"Hoy Shinshin," Saka lang ako nabalik sa wisyo nang may tumapik sa likuran ko..
K-Kuya Lui.
"Hindi muna kita masasabay pauwi ngayon ah? Ito pamasahe, nandiyan na rin 'yung bayad ko sa hindi pag sipot kahapon, kaya mo na 'yan, uuna na kami ni Nami.."
Nakatingin lang ako sa pera na nasa kamay ko.
"Kami na ni Nam.. hahatid ko siya pauwi sakanila kaya hindi talaga kita maisasabay kasi baka mapatagal pa kami, ingat ka nalang mamaya pag uwi.." Tumalikod na sila at nakita ko naman ang paghawak ni Kuya Lui sa bewang ni Nam.
Sobrang..bilis..ng nangyari. Hindi ko manlang nagawang makapag reak, gulat nalang ang purong nararamdaman ko ngayon.
Lumabas na rin ako nung oras na 'yun, padilim na pero hindi ko naisip na sumakay, hindi ako nakaramdam kahit kaunting takot kahit delikado na maglakad sa madilim na daan na dadaanan ko.
Lumabas na ang luha ko, hindi ko na mapigilan dahil sumabog nalang ako bigla, kaya tuloy tuloy siya na lumabas.
Wala na rin sa isip ko na pansinin pa ang mga estudyanteng pinag titinginan ako.
Naubos nalang sila pa unti unti sa paligid ko, hindi pa rin ako natigil sa pag iyak.
Sobrang bigat..
Ang bigat bigat..
Lahat naman inexpect ko na mangyayari kasunod ng halik na 'yun, pero hindi naman kasama 'yung parte na sasagutin niya si Kuya Luigi.
Ito na ba 'yung ganti niya? Pareho naman namin ginusto ang halik na 'yun, pero bakit parang ako lang ang sumalo ng hirap na to..
Ako lang sumalo nang sakit na 'to.
Nawala sa isip ko si Nam nang biglang may humawak sa braso ko.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
RandomBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E