Ishintarou's POV
"K-Kuya Bryan? Grabe nakakagulat ka naman," Nakapameywang siya sa harap ng bahay, hindi ko siya napansin na nanduon kanina, siguro dahil nasa dilim siya nakapwesto.
"Bakit ngayon ka lang? Late na oh? 8:22 PM na senyora? Galing galing naman ng uwi na 'yan oh," May hawak pa siyang paubos na beer sa kamay niya na mukhang kanina pa niya iniinom.
Napapatiklop nalang ako sa mga titig ni Kuya Bryan, para bang hinuhuli niya ako sa mga tingin niya, kilalang kilala niya talaga ako, alam niya kaya kung anong nangyari sa'min ni Nam?.
"Eh..Kuya kase..ano..marami kaming kinain, saka nag lakad lakad muna kami, saka 'di ba dapat si Kuya Lui 'yung pinapagalitan mo kasi ako 'yung pinapunta niya sa date nila ni Nam, tapos hindi niya ako binigyan ng pera para pang gastos sa kinain ng babaeng 'yon!" Kapag naalala ko nanaman, naiinis ako.
"May something ba sainyo ni Manami?" Nagulat ako sa sinabi niya dahil parang siguradong sigurado siya sa tanong niya.
"K-Kuya Bry..w-wala 'no, alam mo naman n-na nililigawan ni Kuya Lui 'yon.."
"Bakit ganiyan ang sagot mo? Hindi 'yan ang tinutukoy ko, kako meron bang something sainyo ni Nam? Nagka away ba kayo? Kasi nahahalata kong parang mailap kayong dalawang mag usap, samantalang araw araw kayong magkasama.." Ayun pala..hays! ako talaga ang maglalaglag sa sarili ko neto eh.
"Uhm..hindi naman po ah..nabubusy lang kaming dalawa kaya siguro hindi kami nagkakasama," Hindi siya sumagot.
"Sige na, pumasok ka na, mabuti nalang at wala si Mama, malilintikan ka talaga kung late ka makauwi,"
"Hehe, si Kuya Luigi?"
"Isa pa 'yon, nauna siyang umalis pero mas nauna ka pang umuwi, hanggang ngayon nga wala eh, ang paalam no'n hanggang 6PM lang," Saan kaya nag lalagi 'yun si Kuya, pansin ko rin talaga na madalas siyang umaalis eh.
Hindi naman niya gawaing lumabas labas, mas gusto niya pa ngang mag stay sa kwarto nila para maglaro ng video games kaysa umalis.
"Ganun ba..pagsabihan mo 'yan si Kuya Lui, naiinis ako sakaniya, nang dahil sakaniya hindi mawala 'yung kaba ko kung paano ko mababayaran 'yung inorder ni Nam," Nasisimangot na ani ko.
"Oo nga pala, 'di ba kay Manami ang punta niya? Bakit pala ikaw ang pumunta?" Nakaupo na siya sa bench kaya tinabihan ko nalang siya.
"May pupuntahan daw siya.."
"Sabi nga sa'kin, aalis daw siya para bumili ng kakailanganin niyang damit sa date nila ni Manami,"
"Damit?" Napapatanong na tono ko. Hindi ba...
"Pero kuya, kakatapos lang namin bumili nung nakaraan, dalawang set pa nga 'yun dahil pinilit ko siya, kahit isa lang talaga ang gusto niyang bilhin." Nagkatinginan kaming dalawa at bakas sa mga mukha na parehong napapa isip.
"Baka naman para kay Manami 'yung bibilhin niya?" Umiling ako.
"Kanina nagmamadali siya sabi niya emergency raw kaya ako raw muna ang pumunta kay Nam, at susunod nalang siya, tinanong ko nga kung ano 'yun, sabi niya sa kaibigan niya raw, pero 'yung nakapunta na ako sa restaurant, nagtext siya na may emergency sa school," Kumunot ang nuo niya sa narinig at tumanaw sa malayo.
"Pero holiday ngayon, sarado ang school.." Ha? Binilang ko ang mga araw.
Oo nga! Holiday ngayon. Nag sisinungaling ba si Kuya Luigi? Iba iba ang paalam niya ah. Ano kayang tinatago ng tao na 'yon.
"Nakaraan pa ramdam ko...may tinatago talaga ang isang 'yon," Seryosong seryoso rin ang mukha ni Kuya Bryan. Minsan lang siya maging ganito pero kapag sinapian naman ng kaseryosohan, todo todo.
"Pasok na kaya tayo sa loob 'ya?"
"Hindi na, hihintayin ko pa ang kuya mo, pumasok ka na sa loob at mag pahinga na, may pasok ka pa bukas 'di ba?" Oo nga pala..
Napapangusong napapasok nalang ako sa loob, kumuha muna ako ng tubig para uminom pero nagulat ako sa malakas na bagsak sa labas.
Dali dali ko namang tinungo 'yon at naabutan si Kuya Luigi na nakasampay kay Kuya Bry.
"Kuya! An'yare!?" Napansin ko naman ang malilit na sugat sa braso ni Kuya Luigi kahit pa man madilim sa pwesto namin.
"Tulungan mo ako, buksan mo ng malaki 'yang pinto," Sinunod ko naman si Kuya at agaran niyang ibinagsak si Kuya Lui sa sofa.
"Saan ka ba naglalagi at ang dami mong pasa, Luigi?" Hindi ko makuha kung bakit ang kalmado ni Kuya Bry kahit ganito na ang nakikita niya.
Ganito ba talaga mag reak ang mga lalaki?.
"Pumasok ka na sa kwarto mo, Shinshin, may pag uusapan lang kami ng kuya mo," Sa sobrang seryoso ni Kuya Bryan hindi na rin ako umapila pa at pumasok na sa kwarto ko.
K-Kinakabahan ako...
Kinuha ko sa bulsa ang cellphone at dinial agad ang number ni Nam, siya lang naman ang palagi kong tnatawagan kapag ganitong kinakabahan ako o nakakaramdam ako ng discomfort.
Binaba niya ang linya, bakit hindi niya sinagot?..
Ito ang unang beses na ginawa niya 'yun kaya hindi ko maiwasang mag overthink.
Nam..
Triny ko ulit na tawagan siya kahit pa nagtatalo sa isip ko na 'wag na dahil baka nakakaabala ako pero sa pangalawang pagkakataon ay binaba niya ulit.
Ano ba Nam!.
Nasisiraan ako ng ulo, hindi kaya narealize niya 'yung ginawa namin kanina?..Hindi kaya..ayaw niya no'n?.
Mas lalong nadagdagan ang pag aagam agam ko, baka mawala siya sa'kin..hindi ko kaya..hindi ko talaga kakayanin.
Halos hindi na ako makatulog sa pag iisip, kung makakatulog naman ay saglitan lang at magigising dahil sa pag iisip kay Kuya at gano'n na rin kay Nam.
Now i'm doomed, confused and scared. Saka ko lang na-realize na meron na palang namamagitan sakanila ni Kuya Luigi, pero heto ako at nakikisingit pa sa dalawa.
Sa lahat ba naman kasi ng pupwede kong gustuhin, siya pa. Tangina talagaaaa.
Tumingin ako sa orasan at alas kwatro na ng madaling araw, hanggang ngayon ay mababaw ang tulog ko at kanina pa pagising gising kakaisip ng mga consequences netong ginagawa ko ngayon.
Pero hindi, hindi pwedeng ako lang ang masisi dito, sumabay naman siya sa'kin. Kung ayaw niya, willing akong mag sorry about duon, pero kung ginusto niya, hanggang duon nalang siguro, ayokong mag mukhang kontrabida.
![](https://img.wattpad.com/cover/207900733-288-k322312.jpg)
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
De TodoBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E