Chapter 31(oo)

1 0 0
                                    

Ishintarou's POV

Mataman kong pinunasan ang luha sa pisngi ko at bumangon sa pagkakahiga.

Linggo ngayon.

Halos hindi na rin ako nakatulog sa pag iyak kagabi, pagkagising na pagkagising ko rin ngayong araw ay lumandas na agad ang luha ko.

Hindi ko naman gaanong iniisip pero alam ata ng puso ko na sobrang sakit na ng nangyari sa'kin kaya nag kukusa nalang.

Ang bigat sa pakiramdam.

Tanging ikaw lang ang nakakagawa ng ganito, masyadong mahirap tanggapin pero kailangan..

Tama na Nam, please tama na.

Wala pa sa alas kwatro akong napatakip ng kumot sa mukha ko nang biglang tumunog ang pintuan.

"Bunso.." Kuya Lui.

Nag kunwari naman akong walang naririnig at nag tulog tulugan.

"Bunso? Gising kana ba?" Napapansin ko ang paglapit ng boses niya, tahimik ko nalang na hinihiling na hindi niya hablutin ang kumot sa mukha ko.

Pero hindi ako pinakinggan ng pagkakataon, naramdaman ko nalang ang pilit niyang pagtanggal ng pagkakaipit ng kumot sa katawan ko.

"Bunso Shin.."

"Hmmm?" Usal ko nalang para magmukhang kakagising ko lang.

"Ano..kasi..may sasabihin ako, gising ka na, mamaya ko nalang sabihin kapag nakaayos ka na,"

"Hmm.." Tugon ko pabalik.

"Labas na ako, basta mag ayos ka na ah?"

"Ge po kuya.." Paos kong sagot. Buti nalang kamo at after niyang sabihin 'yun ay tumayo na siya para lumabas.

Pawis na pawis na tinanggal ko ang pagkakayakap ng kumot sa'kin.

Ano naman kaya ang sasabihin niya?. Wala ako sa sarili pero wala na akong ibang magagawa pa, kung hindi ako gagalaw ngayon, papasok ulit siya sa kwarto ko baka mahuli na niya akong umiiyak.

Nanghihina na tumingin muna ako sa salamin.

Halatang halata ang pamamaga ng mga mata ko, sana talaga mawala na 'to after kong mag ayos.

Kumuha lang ako ng pangbahay na damit at tuwalya bago lumabas para pumuntang CR.

Pasalamat nalang talaga ako at medyo nabawasan ang pamamaga ng mga mata ko dahil kung hindi 'yun nabawasan ay mukhang kakailanganin ko na atang harapin ang napakarami nilang tanong.

"Nasaan sila Mama?" Tanong ko habang nagtitimpla ng kape, mas mainam ng mag umpisa ako sa ganung tanong para hindi niya maisip na kating kati ako malaman ang itatanong niya.

Kahit na ang totoo.. kanina pa 'yun tumatakbo sa isipan ko.

"Pumasok na ng work si Kuya Bryan, si Mama naman umalis may pupuntahan, ikaw wala ka bang gawa ngayon?"

"Wala naman, ikaw?"

"May pupuntahan ako eh.." Sabi na nga ba. Never naman siyang napirmi sa bahay, palagi nalang umaalis.

"Ano pala 'yung--"

"'Yung sasabihi-"

Pareho kaming napatigil nang pareho kaming nagkasabay magsalita. Medyo natawa siya kaya ngumiti nalang ako.

"Papasama sana ako sayo mamaya sa mall, bibili ako ng damit," Bibili?.

"Bakit kasama pa 'ko?"

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon