chapt 2 (Sweatshirt)

41 3 0
                                    

*sniff*

"Naamoy niyo ba 'yun?"

*sniff*

"May naamoy ako ikaw ba Bro?"

"Oo bro,"

"Amoy broken hearted HAHAHA,"

inis na tumingin ako sa tatlong bugok na pinag uusapan ako.

"Hoy kayo, tumigil tigil kayo. Kase kapag ako nainis, isa isa ko kayong kokotongan sa ribs,"

Nagtawanan sila. Kasama si Kai. Tatahitahimik lang 'yan pero nakikita mong tatawa' yan sa may gilid.

I'm with... Crion,Zach,Roi, and Kai. Wala 'yung tatlo nung isang araw at kahapon dahil may kaniya kaniya silang ginagawa.

Crion and Zach may inasikasong kung ano. Ewan ko ba sa dalawang 'to masyadong masikreto.

Si Roi, isang model also an actor kaya...alam na kung anong pinagkakaabalahan.

Si Kai. Pumasok 'to kahapon diba. Nakitawa pa nga sa kalokohan ni Nouie =_=.

Speaking of the name. Papasok sa canteen.

"Isang babaeng nakatitig sa nerdy'ng lalaking hinahabol habol siya," Natatawang asar ni Zach sinundan naman 'yun ng kantyaw ni Crion at Roi.

"Matutunaw yan pre," Asar rin ni Crion ng 'di ako natinag sa pag tingin kay Nouie.

"Ikaw krayola tigil tigilan mo ko ah? Gusto mo ikaw tunawin ko?"

"Sige gawa anooo," Hamon niya.

"Ah ganon?" Dinampot ko ang kape ni Kai na mainit pa.

"H-Hoy w-wag yang kape ko!,"

"Hoy huminahon ka Nam, 'wag 'yan mainit yan," Pag papakalma sa'kin ni Crion. Kaya dinampot ko naman ang ice cream ni Roi.

"Ito nalang,"

"Bayaran mo 'yan ah?" Paalala ni Roi.

"W-Wag hoy! Joke lang e!." Tumakbo siya kaya hinabol ko pa siya. Hanggang sa napagod na siya sa pagtakbo kaya binato ko ang ice cream.

Sa hindi inaasahan ay bigla siyang umiwas kaya sa iba tumama yung ice cream na binato ko.

Sa isang babaeng nakajacket.

Dahil sa pagkabigla ay 'di agad ako nakapagreact.

Nang tinulak ako ni Crion saka lang parang bumalik ang diwa ko.

Agad agad akong lumapit sa babae. Nakayuko lang siya at pinupunasan ng panyo ang mukha niya.

Maliit lang siya kaya hindi ko masyadong makita ang mukha nito.

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon