Chapter 29(ewan)

3 0 0
                                    

*MANAMI's POV*

Hanggang ngayon ay parang hindi ako nilubayan ng saya sa tuwing naaalala kong nandito ulit si Zach, mamayang uwian, dadaanan ko siya para makausap pa ng mas malalim, kahapon kasi parang nabibigla pa akong kausap ko talaga siya sa personal.

"Mukhang masaya ka ata ah?" Nagulat ako sa biglaang pag sulpot ni Sobea sa tabi ko, kasalukuyang kasi akong naglalakad ngayon papunta sa building namin. Ngumiti lang ako sa sinabi niya.

"Section mo?" Sinagot ko naman ang tanong nito.

Pakiramdam ko ay medyo naawkwardan ako sakaniya, siguro dahil sa sobrang ligalig ko kahapon habang kasama ko siyang kumakain sa labas tapos ngayon ko lang narealize kung gaanong kahihiyan 'yun.

Hindi rin naman nagtagal ay naghiwalay na kami ng landas dahil nadaanan na namin ang building nila.

Pero nang madaanan ang section namin ay nagtaka ako kasi walang ni isang estudyante sa loob.

Nasa'n sila?.

"Haruki!" Hinarap ko ang nagsalita sa likuran ko, si Trinity.

"Nasaan sila?"

"Ayaaan! palate ka pa! Duon tayo sa isang section ng sophomore." Sumunod naman ako sakaniya.

"Bakit daw du'n?"

"Mag momovie marathon tayo wahahaha!" Hindi ko alam kung bakit ako naniwala sa sinabi niya, pero 'pag punta namin sa isang section ay bumungad sa'kin ang malawak na classroom, never pa ako nakapunta dito, ni hindi ko nga alam na may ganito pala sa school na 'to.

"Sigurado ka bang classroom 'to ng sophomore?" Nakakunot ang nuong tanong ko, alam mo naman isang 'to masyadong malakas ang sapak sa ulo puro kasirauluhan ang alam.

"Joke lang hehe, 'di ko talaga narinig 'yung sinabi ni Miss kanina," Gago talaga.

May nakita akong isang pamilyar na pigura sa bandang likuran ng classroom, may ginagawa kasi sila na ewan ko kung ano dahil kakarating ko lang.

Si.. Taru ba 'yon?. Nandito rin siya?. Nilinga ko pa ang ulo ko sa paligid.

"Hi!"

"Sobea? Dito ka rin pala?" Bati ko sa magandang babaeng nasa harap ko.

"Yes, kami muna ang mentor niyo ngayon, kayo kasi ang sakop namin, tapos may ibang officers na under naman sa ibang section," Saka ko lang napansin ang babaeng nasa likuran niya, siya siguro 'yung kasamahan niyang mentor din.

Mentor? Ano bang gagawin?.

"Bakit ano bang gagawin namin?"

"Tara sumunod kayo," Susunod palang sana ako ng hinawakan ni Trinity ang laylayan ng uniform ko.

"Oh? Bakit?"

"Sinooo 'yoooonn kilala mo 'yonnnnn?" Nakita ko pa kung paano siya mag puppy face sa mukha ko sa pagmamakaawang sagutin ang tanong niya.

"Sino?" Dahan dahan na kaming sumunod kila Sobea nang medyo nakalayo sila ng kaunti.

"'Yung nakausap mo? Baliwww ang gandaaa,"

"Ah hindi ko kilala 'yon," Pang aasar ko.

"Seryoso kasiiiii,"

"Sasagutin ko lang 'yan kapag nilibre mo 'ko mamayang break time," Hindi naman siya sumagot, siguro ay nag iisip na siya.

Kinabahan ako nang sinalubong ako ng iba't ibang klase ng make up sa ibabaw ng mga table, ngayon ko lang din napansin na wala manlang kahit isang lalaki na nandito sa loob at iba iba rin ang mga estudyante, si Trinity lang ata ang kaklase kong kasama ko dito.

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon