*MANAMI's POV*
Imbis na ang iisipin ko nalang ang paghahanda ko mamayang pasok, iniintindi ko pa 'tong kalat.
Bwisit ka talaga Luigi.
Hindi ka lang bwisit, kupal ka pa, tarantado, buang--
"It's already 7AM, mag ayos ka na," Saad ni Ate Sunny.
Tumingala ako sakaniya.
"Pero papagalitan ako ni Mama, kailangan ko tapusin 'to." Ani ko sabay pulot pa ulit ng mga nagkabasagang mga vase.
Akala ko kanina mabilis ko lang mapupulot 'to, kasi malalaki naman 'yung pagkakabiyak ng mga vase pero hindi pala.
Talagang pinapahirapan ata talaga ako ni Luigi dahil may iba ditong sobrang durog, na mangyayari lang kung sasadyain.
Yari ka sa'kin kapag nagkaroon ako ng lakas na harapin ka ulit.
"No kapatid, sige na, mag ayos ka na, i'll talk to Mother, may pasok ka pa, saka balita ko may exam ata kayo ngayon," Duon ako napabalikwas ng tayo.
OO NGA PALA!
Binitawan ko ang hawak at tumatakbong nagpasalamat kay Ate saka pumasok sa kwarto.
"Haaaa...haaa!" Hinihingal na napasandal ako sa gilid ng pintuan ng classroom.
Hindi pa ako pumapasok pero mukhang lagot ata ako dahil sarado na ang pintuan.
Inipon ko muna ang hangin sa katawan ko bago ako kumatok.
Please please please sana hindi mapagalitan.
"Why are you late?" Tanong ni Prof.
"Traffic ma'am..sorry," Pagsisinungaling ko.
"Jumping jacks or squat?"
Napapangusong kinamot ko ang batok na ikinatawa ng mga kaklase ko, palibhasa hindi kayo pinaayos ng kalat eh.
Masama ang tingin ko sakanila, pero nang pinatahimik sila ni Prof saka lang ako palihim na ngumisi.
"Jumping Jacks," Pili ko.
Sa corridor ako pinapwesto, hindi raw ako makakapasok hangga't hindi ako nakakagawa ng benteng jumping jacks na 'yan.
Pambihira, ginawa pa kaming hayskul eh.
Hindi naman porket konektado sa sports ang subject na tinuturo niya ay kailangan na niyang gawin 'to.
Habang ginagawa ang trabaho ko ay pinagmasdan ko ang labas kasabay ng pagbilang kung ilan na ba.
Pero hindi ko sinasadyang makita si..
..Luigi.
Kausap nanaman 'yung Jocel na 'yon.
Ano bang meron sakanila?.
This time tawa ng tawa 'yung tarantado samantalang si Luigi nakayuko lang.
Maya maya nakita kong naglabas ng pera si Jocel at si kupal naman tumingin tingin muna sa paligid bago kinuha ang pera.
Puro payb handred.
Kung susumahin aabot din ng limang libo 'yon.
"Psst woi Haruki," Tumatalon na naagaw naman ng nasa likuran ko ang atensyon.
Tumatalong patagilid ko siyang tinignan.
"B-Baket?"
"Lagpas ka ng bente ksksksks," Nagpipigil ng tawa niyang sagot.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
RandomBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E