*MANAMI's POV*
"Tigil." I spoke as i made my way to them. Tumigil naman sila. Mahina ko silang kinausap na sumunod sa'kin papunta sa bisekleta kong nakatambay sa hindi kalayuang parke.
"Bakit Nam?" Hindi ako nagsalita nang itinanong 'yon ni Taru, baka sakaniya ko maibuhos ang galit ko, pinipigilan ko lang magalit ngayon kahit alam kong nasa paligid lang ang taong gumawa nito.
Hindi ko iniisip na si Lulu ang may gawa dahil kakalabas lang niya at kanina pa kami nakatayo sa kanina naming pwesto, ang pagkakatanda ko nung ipinwesto ko 'yun d'on, maayos pa naman.
Ang bobo ko naman kung hindi ko makita kung sinong gumawa nu'n kahit pa abot tingin ko lang naman ang layo.
"May nagputol ng kadena ko," Usal ko, nagugulat na pinasadahan ng tingin ni Taru ang kaawa awa kong bisikleta, na ngayon ko lang din napansin na butas din pala ang isang gulong sa harapan.
"SINO ANG MAY GAWA NETO??" Bumalatay ang pag aalala sa mukha niya, ako naman ay nanatiling walang emosyon at sabay tumingin kay Lulu na hindi nagsasalita.
"May alam k--"
"Wala," Napakagat nalang ako sa labi nang hindi manlang niya ako pinatapos bago sumagot.
"Sure, i know wala kang kinalaman.." Imbis na sagutin ako ay nag umpisa na siyang maglakad paalis.
"Pero alam ko na may ideya ka kung sino ang gumawa," Duon siya napatigil. Dumaan ang mahabang katahimikan sa aming dalawa bago siya naglakad muli.
"Wala.." Mababa ang tonong aniya.
"Alam mo naman na importante 'to para sa'kin kasi regalo 'to ni Ate Sunny, alam mo rin kung gaano kamahal ang bili dito, sana naman kung may nalalaman ka kung sino ang may gawa, 'wag mo sanang kampihan pa at sabihin mo na sa'kin."
"Wala talaga akong alam.."
"...Ishin.." Napatingin ako kay Taru nang maalalang nandito nga pala siya.
"K-Kuya?"
"..tara na," She glance on me, pero deretso lang akong nakatingin sa likuran ni Lui.
"Nami--"
"Sumunod ka na sa Kuya mo,"
"Pero nasiraan ka? Hindi kita iiwan madilim na baka mapahamak ka pa-" Itinaas ko ang kamay indikasyon na manahimik muna siya dahil may kakausapin ako.
"May time ka ba?..(bakit?)...pwedeng pasundo?(Ngayon na?)..oo..(Nasaan ka ba?)..dito sa school..(Pero may ginagawa pa ako)..sunduin mo na 'ko ngayon, nasiraan ako..(What?! Why!?)...ayoko ng magpaliwanag sunduin mo nalang ako, ge bye.." Binulsa ko ang phone ko at tahimik na sinuri kung may iba pa ba silang ginawa sa bike ko, 'yung iba naman na katabi kong bisikleta walang galos kahit kaunti halatang pinuntirya lang talaga ang sa akin.
"Bakit nandito ka pa? Umalis ka na..naghihintay na 'yung Kuya mo oh?" Unti unti na akong nakakaramdam ng inis dahil saka lang ako natauhan kung gaano kalaking pinsala ang ibinigay sa'kin ng kung sino man 'yun.
Wala na rin nagawa si Taru nang makita niyang nakatitig na sakaniya ang kuya niya at hinihintay siyang sumakay.
Pinanuod ko lang kung paano sila nawala sa dilim, napabuntong hininga nalang ako sa sobrang stress na ibinigay sa'kin ngayong araw.
Literal na nag sama sama talaga, akala ko tapos na 'yung kanina, may kasunod pa pala..bwisit.
Nang marinig ang pamilyar na tunog ng makina ng kotse ay humarap na ako, pero iba nalang ang gulat ko nang imbis na si Kai ang humarap sa'kin ay si Zach!.
"ZACH!!" Halos muntikan pa akong madapa sa pagkaripas ko ng takbo papunta sakaniya.
Binuka naman niya ang mga braso niya na mainit kong tinanggap..totoo ba 'to? Hindi ba ako nananaginip?.
"Zach?" Umangat pa ko ng tingin para kumpirmahin at nang tumawa siya ay saka ko lang binalik ang mahigpit kong pagkakayakap.
"Kailan ka pa nakabalik?" Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na nahahawakan ko siya ngayon at nakakausap.
"Nito lang nakaraang week, ang dami kasing kailangan asikasuhin dito sa pinas kaya hindi agad ako dumalaw sainyo," Hindi naman na ako nakaimik. Parang nawalan ako ng salita at gusto ko nalang siyang titigan, hindi naman niya 'yun pinansin at ang mas pinag tuunan niya ng pansin ay ang sirang bisikleta sa likuran ko.
"Anong nangyari riyan?" Tumingin naman ako sa tinutukoy niya at napakamot nalang sa ulo.
"Bike ko 'yan, regalo ni Ate Sunny, tapos napagdiskitahan pagtripan, pinutol 'yung kadena pati 'yung gulong hindi pinalampas," Naiiling kong paliwanag.
"Kaya ka ba nagpasundo kay Kai?" Tumango ako.
"Oo, ayoko muna kasing mag alala sila Mama, balak ko sanang itambay muna kila Kai 'tong bike, ipapaayos ko,"
"Hindi.."
"Anong hindi Zach?"
"'Wag mong ipaayos, hahanapin natin ang gumawa niyan, sila ang magbabayad," Hindi ako sumagot. Kung magpapakita 'yung mga gago na 'yon, mga, dahil alam kong hindi lang iisa ang may gawa nito.
"Kunin mo na 'yang bike mo, lagay mo sa ibabaw ng kotse, kasi duon lang naman magkakasya 'yan." Pumasok siya sa loob ng kotse at parang may kinuha bago ibinato sa'kin ang lubid.
"Dalian mo," Napangiwi nalang ako sa pagiging bossy niya.
"Hindi mo ba 'ko tutulungan?"
"Hindi, kaya mo na 'yan, malakas ka naman eh, saka ayokong madumihan ang kamay ko," Natawa nalang ako sa inasal niya, gaya pa rin ng dati, akala ko naubusan na siya ng humor sa katawan buhat ng pangingibang bansa niya eh, sobrang pormal niya na rin kung magsalita. Sinunod ko nalang din ang sinabi niya, tumagal ako ng 15 minutes dahil mahirap talagang itali.
Nang magawa ang trabaho ko ay binusinahan na niya ako para sabihing pumasok na ako, gaya ng ginawa ko kanina ay sinunod ko nanaman ito.
"Suotin mo 'yang seatbelt mo saka 'wag mo rin akong didikitan, pawis ka ang bantot mo pa," Kinutongan ko na siya sa dami niyang utos, hindi naman mukhang inaasahan niya 'yon pero nang humagalpak ako ng tawa ay natawa na rin siya.
"Arte mo ah, tumira ka lang sa abroad naging maarte ka na." Natatawang binuhay niya lang ang makina ng kotse niya at nginitan ako.
Nag ngitian lang kaming dalawa dahil pakiramdam ko talaga kahit hindi namin sabihin alam naming dalawa na namimiss na namin ang isa't isa.
Ngayon ko lang mas napansin ang itsura niya, makikita mong nag enhance talaga ang kapogian niya, well totoo namang pogi ang isang 'to, pero hindi na para ipaalam ko pa, baka lumaki ang ulo eh.
Maganda rin ang pagkakakulot ng buhok niyang umabot hanggang leeg, nag iba rin ang style niya sa pananamit at ibang iba na rin ang dating niya ngayon, samantalang dati ayaw niyang pinapahaba ang buhok kasi mainit daw.
Isa pa, muntikan ko na rin siyang hindi makilala, nung nayakap ko siya at kinumpirma kung siya ba talaga si Zach, duon ko lang siya nakilala dahil 'yun sa suot niyang salamin, buti nalang kamo at hindi siya nagbibirong si Zach kasi baka ibang tao pa ang nayakap ko.
Ang flawless na talaga ng itsura niya, mas nag mature ang features nito, lumaki rin ang katawan at mukhang malilimitahan ko ng tawagin siyang bading dahil wala akong nakikitang kahit ni katiting na malamyang galaw sakaniya.
Pero dati walang palya, palagi ko siyang inaasar na bading, ang payat kasi niya, ang kapal pa ng labi parang pang babae, tapos kung gumalaw parang ang hina hina.
"Tama na, Nam, alam kong pogi ako pero hindi ako pumapatol sa tibo--agay!" Binatukan ko nanaman tuloy siya.

BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
De TodoBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E