ISHINTAROU's POV
"Bakit mag isa ka dito, Miss beautiful?" Agad na nagtayuan lahat ng balahibo ko.
Kinakabahan man pero nagawa ko pa rin na tuhurin ang pagitan ng hita niya.
Namilipit naman siya sa sakit kaya kinuha ko ng oportunidad 'yun para makatakbo, ngunit hindi pa ako nakakatakbo ay nahawakan na agad niya ako.
Mangiyak ngiyak na ako sa pagtutulak sakaniya dahil inumpisahan na niyang yakapin ako nang mahigpit.
Tinatakpan niya na rin ang bibig ko at iginagaya na niya ako papasok sa magubat na parte ng kalsada na 'yon.
Diyos ko..katapusan ko na ba ngayon.
Huwag naman..ayoko pang mamatay sa ganitong paraan, pakiusap.
Pinipilit ko na takpan ang dibdib ko, ang mga kamay naman niya ay naglalakbay na sa katawan ko, sumisigaw ako ngunit parang imposibleng may makarinig sa'kin.
"MMMM!" Napapikit nalang ako at nag umpisang magdasal.
Wala na akong pag asa dito..pero sana kahit kaunting tiyansa may makakita sa'kin sa nakakatakot, madilim, at kadiring lalaki na ito.
Diyos ko Lord, tulungan niyo ako..takot na takot na ako..
Bago pa niya tuluyang mataas ang palda ko ay may isang lalaking tumakbo papalapit sa'min at duon na nagdilim ang paningin ko.
Nagising nalang ako nang nasa loob na ako ng kwarto ko. Anong nangyari?.
"Taru?" Napatingin agad ako sa katabi ko nang makita si Kuya Lui.
Taru?..
"Taru?" Tanong ko pa, imbis na tanungin kung paano ako napunta dito, mas nauna pang umahon ang inis sa'kin ng tinawag niya ako sa paraan ng pagkakatawag ni Manami.
"Sorry kung natawag kitang ganon, nasanay na siguro ako, kanina pa kasi si Nam tawag nang tawag ng Taru nung nahimatay ka kanina," Nahimatay ako?..Kaya siguro nandito na ako ngayon.
"Panong nahimatay?" Hindi pa ako tuluyang nakakagalaw nang maramdaman ko ang paa kong parang napilay.
"Kanina kasi nung paalis na kami, bigla kang nahimatay, narinig nalang namin na bumagsak ka kaya hindi na namin naagapan, namamaga nga 'yang paa mo kanina, ngayon anong nararamdaman mo?"
"Masakit pa rin siya.."
"Hindi nga tinitigilan ni Nam tapalan ng yelo 'yan eh, kung hindi pa tumawag 'yung Ate niya, hindi pa sana siya uuwi.." Ginawa ni Nam 'yun?... Ibig sabihin..concern pa rin siya sa'kin.
At hindi totoo 'yung bangungot ko?..akala ko talaga mamamatay na ako..
"Pahinga kang mabuti, kanina talaga namumutla ka na, gusto rin sana kitang iangkas pero naalala kong first time lang pala mag alok si Nana ng gano--"
"--kahit na," Biglang sumulpot si Kuya Bry sa pintuan.
"Kahit na Luigi." Sinarado niya ang pinto at ramdam ko ang pamumula ng mukha niya sa galit.
"Kahit sabihin pang date niyo 'yan ni Manami! Kung nakita mo nang nagkakaganiyan kapatid mo, sana inuwi mo na muna!" Pabulong lang siya magsalita pero bakas sa bawat bigkas ang diin at gigil.
Nakaramdam ako ng kaunting takot.
"Pero Kuya--"
"Pero kuya ano?! First time na alukin ka ni Nam ng date na 'yan?! Eh paano kung mawalan ka ng kapatid dahil sa kakitiran ng utak mo! Imbis na isipin kalagayan ng kapatid mo, kung hindi pa nahimatay, hindi ka magkakandaugagang iuwi 'yan!" Hindi na rin ako makasagot, kahit gusto ko man pigilan si Kuya Bryan na magsalita, inaamin kong gusto ko rin sabihin 'yan kay Kuya Lui.
"Eh kasi Kuya Bry.. ayaw ni Nam na kasama ko si Shin--"
"Putangina naman Luigi! Kahit pa ayaw niyang girlfriend mo na kasama si Ishin, kung matino kang kapatid, iuuwi mo 'yan kasi responsibilidad mo 'yan! Nagsalita ka pa kay Mama na kaya ka bumili ng bike na 'yan para sainyong dalawa ni Ishin! Tapos papabayaan mo?!" Girlfriend..oo nga pala..sila na.
Biglang bumukas ang pinto at iniluwa si Mama.
"Ano bang meron Bryan? Naririnig ko boses mo pagkapasok ko palang ng bahay eh..ano ba gang dahilan bakit ka nasigaw?" Lumapit si Mama sa'kin at tinanong agad ang kalagayan ko.
Sinabi ko naman 'yung totoo, masakit talaga 'yung paa ko, sa pagkabagsak siguro 'to kanina.
"Eh kasi itong anak mong magaling! Nagka girlfriend lang, hind na alam kung anong responsibilidad niya!" Saka lang lumakas ang boses ni Kuya. Siguro kaya mahina lang siyang magsalita kanina dahil ayaw niyang marinig ni Mama, pero kahit ata sa labas ay maririnig sa linaw ng pandinig ng Mama eh.
"Bakit?" Mukhang alam ko ng dadagdag si Mama sa sermon kay Kuya Lui, kaya pumagitna na ako.
"Nagugutom ako ma.."
"Oh siya sige, mag hahain na muna ako, at kumain muna tayo," Nang makaalis si Mama, saka naman nalipat ang atensyon sa'kin ni Kuya Bry, awtomatikong lumambot ang mukha niya.
"Kumusta ka na ba, bunso?" Umupo siya sa tabi ko at hinaplos ang buhok ko.
"Ayos naman po, paa ko lang masakit, pero medyo okay okay na ngayon.."
"Hilutin ko 'yan mamaya, tingin ko nakatulong din 'yung paglagay ni Nam ng yelo diyan kanina, kasi kanina sobra talaga pamamaga neto.." Usal niya habang pinapadaan ng kamay ang paa ko.
Nag alala siya sa'kin...pero bakit hindi niya 'yun pinakita habang nasa harap niya ako, nagpapakitang tao lang ba siya?.
"..kitams..girlfriend mo nga mismo aligaga kanina kakatingin kung ayos na ba si Shinshin tapos ikaw na mismong kapatid..--" Agad na tumayo si Kuya Lui at tuloy tuloy na lumabas.
Napapailing nalang ako, mukhang nagkasabay pa nga kami ni Kuya Bry sa pag iling kasi alam naming ganoon talaga siya palagi kapag napapagsabihan.
LUIGI'S POV
"Alam ko naman na kasalanan kong nagka ganun si Ishin, pero hindi naman tamang isampal pa sa mukha ko 'yun..mag sosorry na nga 'yung tao, pero hindi nila ako binibigyan ng pagkakataon na magsalita," Mahabang eksplenasyon ko kay Nana.
Alam kong hindi tamang iopen ko 'to sakaniya dahil ayokong maattached sa taong 'to, pero hindi ko na rin alam kung sino pa bang lalapitan ko.
Ayokong ikalat masyado ang problema naming pamilya.
"Don't shoulder the blame on yourself, ako talaga puno't dulo ng problemang 'to, kung hindi ko sana sinabi na ayokong kasama 'yang kapatid mo.. hindi mo sana siya iiwan,"
Oo totoo. Kasalanan mo talaga, kung hindi dahil sa'yo hindi ako masisisi ng ganito.
Pero bawal kong sabihin kay Nana na ganun ang naiisip ko dahil baka layuan niya nanaman ulit ako, naalala kong girlfriend ko na nga pala siya.
Sana naman matapos 'tong maayos.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
RandomBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E