*LUIGI's POV*
Hindi ko alam kung bakit bigla nalang nag iba ang tono ni Nana kahapon.
Hindi naman siya ganun.
Tingin ko ay mas magandang kausapin ko siya about duon para mas maliwanagan ako.
Dali dali akong nag ayos at nagpedal papunta sakanila.
Something feels wrong.
Tumambay ako sa labas ng village nila.
Bukod sa hindi ako pwedeng makapasok kung walang consent sa dadalawin ay alam ko rin na maiinis siya kapag nasa labas nila ako.
Dahil sasamain daw siya sa mama niya.
Tinawagan ko siya pero hindi niya sinasagot.
Kaya nag text nalang ako na nasa labas ako ng village.
*MANAMI's POV*
Maaga pa lang pumunta na ako sa bahay nila Min.
Dahil mag papraktis kami ng sayaw.
Antok na antok pa ako pero mas magandang ng maaga palang pumunta na ako d'un.
Para sa hapon buong magdamag nalang akong matutulog.
"Min!" Sigaw ko ng makarating sa harap ng bahay nila.
Pero ang Mama niya ang humarap sa'kin.
Nagpakilala naman ako sa mama niya kaya pinapasok niya ako, buti naman wala ng interview interview pa, sa bahay meron eh.
At akalain mo nga naman, tulog pa si gago.
"Hoy!"
"Agay!" Nagising siya ng nakahawak sa nuo niyang pinitik ko.
"Gising, mag papraktis tayo 'di ba,"
"Taenang daliri 'yan parang bakal, ang sakit!" Hinihimas niya 'yun habang pinapanuod ko siyang tumayo.
"Hindi mo ako ininform na ganitong oras ka darating,"
"Eh sa panay ang pag text ko, malay ko bang tulog ka pa pala," Tinupi niya ang kumot bago lumakad palabas ng kwarto niya.
"Labas ka diyan kain muna tayo, inupuan mo pa kama ko eh inihian ko 'yan," Napatayo naman ako.
"Kaya pala basa,"
"Tangina mo." Sabay kaming tumawa.
"Ganito, 'pag nag sway ka papunta dito sa part na 'to, ito ang gamit." Tinapik ko ang bewang at ang binti.
"Parang ganito." Pinakitaan ko naman siya ng example.
"Ahhh kaya pala hindi ko makuha, ang ginagamit ko kamay,"
"Bobo ka talaga,"
Medyo umaayos na rin ang pag galaw niya kailangan nalang ng unting energy.
"Baka maaga rin tayo matatapos ngayon, mamaya kasi pupunta 'yung kaklase ko gagawa kami ng project," Tinanguan ko lang siya.
Buti naman, para marami din akong oras matulog.
Tinapos ko na kagabi lahat ng project at assignment kaya wala ng problema.
Saka napuyat ako kagabi tapos gumising pa ako ng maaga ngayong araw, kaya need ko talagang matulog 'pag uwi.
Kinuha ko ang phone ko para sana patugtugin ang music namin kaso lowbat na pala ako.
Galing.
Bwisit.
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
RandomBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E