CHAPT 22 (Rain)

6 2 0
                                    

*MANAMI's POV*

Nang magising ako ay wala sa wisyo na tumingin muna ako sa labas bago umunat.

Kalaunan ay tumingin naman ako sa relos ko.

"Shit!"

Late na! mag se-7 na ng gabi. Nagmamadaling kinuha ko ang kape ko at pumunta sa counter.

"Napasarap ata tulog mo," Ate Piere. Naiilang na ngumiti nalang ako.

Seryoso ang tono niya pero normal niya 'yun, hanggang ngayon nakaka intimidate pa din.

"'Yung..k-kape po sana, kukunin ko na," Hindi naman siya umimik pero nagsalita siya sa mic ng headset na suot niya.

"It will be done within 10 minutes," Tumango nalang ako at pumirmi sa isang tabi habang inuubos ang kape.

Napasarap ang tulog ko, mga around 11AM or 12 ako nakaalis kila Min, tapos after n'on, pumunta ako dito mga 1 hour ako nag muni muni sa labas.

Bago nakatulog, bale mga halos 5 hours din akong nakatulog pala.

Bawing bawi.

"Your order." Ngumiti nalang ako bago 'yun binuhat palabas.

Sumakay ako sa bisekleta at maingat na nag pedal.

Bukod sa kakagising ko lang at baka mamalikmata ako sa dinadaanan ay baka matapon din ang hawak ko.

Nang malapit na ako sa harap ng village namin ay may napansin ako ng nakaupo sa gilid na isang pamilyar na pigura.

Hindi ko na 'yun pinansin dahil nakayuko, ayoko ng mapahiya kung sakali mang iba palang tao 'yun.

Umuwi ako sa bahay at saglit na nagkwento sa mga kasama ko sa bahay bago nagpalit sa pajama ko ng bumuhos muli ang ulan.

Panay ata ang ulan ngayon.

Binuksan ko ang cellphone ko at halos malula ako sa dami ng text sa'kin ni Lulu.

Sobrang sweet naman this bo--WAIT.

HA! Nasa harap siya ng village nag hihintay?! Sabi ko na nga ba kamukha niya ng pangagatawan eh!.

Aporadong nagsuot ako ng jacket sabay kuha ng payong ko sa bag.

"Ma! MAAAA! asan na ba 'yun?" Hanap ko kay mama ng hindi siya lumalabas.

Kaya lumapit ako sa isang maid.

"'te, meron pa ba tayong payong diyan?" Hindi maawat ang pagpadyak ko sa lapag sa pag aalala kay Lulu.

Huling message niya pa 'yung kaninang hapon bago umulan ng malakas.

Nako naman, dalawang beses pang umulan ngayon, natuyuan na isang 'yon.

Bakit kasi hindi ko tsinek phone ko kanina.

Napakatanga talaga.

"Wala na po ma'am eh, 'yung dalawa gamit gamit ni ma'am Sunny tapos 'yung isa naman gamit ni ma'am Loraine," Kung saan saan talaga nag sususuot si Mama.

Saan nanaman kaya pumunta 'yun.

Ayos na 'tong payong na gamit ko, tutal medyo malaki laki naman.

Lakad takbo na pumunta ako kay Lu, malapit lang naman sa pinaka gate neto 'yung bahay namin.

Nakahinga ako ng maluwag ng makita siya.

Nanduon pa din, hindi rin gumagalaw, kung ano 'yung pwesto niya nung nakita ko, ganun pa din.

"Luigi!" Habol hininga akong pumunta sa harap niya.

"Sorry hindi ko alam na nandito ka, ito kasing cp ko despalinghado eh, nalowbat, ta's kaninang umaga wala din ako dito sa bahay, nag praktis ako.." Lumapit ako ng unti para masilungan siya ng payong.

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon