*MANAMI's POV*
Nagising ako ng madaling araw, dahil sa uhaw, kaya tumayo ako para lumabas.
Bago pa kasi makapunta sa kusina, madadaanan ko muna ang guest room kung nasaan si Lulu.
Kaya chineck ko muna siya.
Pumasok ako ng dahan dahan para makita siya ng maayos.
Nakahiga pa din siya, kagaya ng pwesto niya kanina.
Haba ng tulog pre ah.
Sanaol.
Sinarado ko na ang pintuan at bumaba para uminom ng tubig.
NAGISING ako dahil sa katok sa kwarto ko.
Ano ba naman.
Tinignan ko ang orasan.
Pucha 5:10AM palang jusko, 8 pa ang pasok ko.
Bagsak ang paang lumapit ako sa pintuan para buksan.
Bumungad naman sa'kin si Mama na galit na galit.
"Nagpapasok ka ng stranger sa loob ng bahay ko, Manami Haruki?" Iba ang hagod ng mukha ni Mama ngayon parang may nangyari.
Buong pangalan pa ang gamit.
Hindi naman siya magagalit ng ganito kung walang ginawa si Lulu.
Pero imposible namang may ginawa ang isang 'yun.
"K-Kaibigan ko siya, Ma, nahimatay k-kasi siya kagabi nung d-dumalaw siya ng walang permiso, kaya inuwi ko muna d-dito, " Binuo ko na ang paliwanag ko kasi baka ma misunderstood pa ni Mama'ng may boyfriend ako.
"Tignan mo kung anong ginawa ng KAIBIGAN mo dito." Hindi na niya ako hinintay sumagot at padabog na siyang bumaba.
Dali dali naman akong bumaba sa sobrang pag iisip kung anong nangyari.
Nako naman Lulu.
Kapag baba palang ay napanganga na ako sa nakita.
Napasapo nalang ako sa ulo.
Taena.
Nagkalat ang mga mamahaling vase ni Mama, MAMAHALING VASE na kahit kaming mga anak niya ayaw niyang ipahawak.
Hindi lang du'n nagtatapos, pumunta ako sa kusina kung nasaan sila nakatipon lahat.
Pati ang mga plato't kutsara ay nakakalat din sa mesa at sa lapag.
Imposibleng ginawa ni Lulu 'to..
Umangat ang tingin ko sakaniya ng suot suot ang gulat at dismayadong mukha.
"Ikaw may gawa neto?" Tahimik lang siyang nakatayo sa gilid.
Dahil sa inis ay tinukod ko ang kamay ko sa balikat nito pasandal sa pader na nasa likuran niya.
"Tinatanong kita, ginawa mo ba 'to?" Kalmado lang ako sa part na 'yan, 'wag lang niya sana ako sagarin.
"Lulu parang awa mo na sumagot ka.." Malapit ng umimpis ang pasensya ko.
Nakayuko lang siya kaya medyo yumuko din ako, halos magkasing tangkad nalang naman kami.
"S-Sorry b-babe.."
Babe?
"BABE?" Nakakabinging hiyaw ni Mama.
Napakunot ang mukha ko.
Ano bang dala dala mong malas ngayon Lulu.
Bakit ngayon mo pa naisipang mag biro ng ganito.
"MANAMI!"
BINABASA MO ANG
I Fell Inlove To A Girl(GXG)
RandomBrace yourself, that's all pfft. WARNING : C R I N G E