Chapt 16 (Zach)

7 2 4
                                    

*ISHINTARU's POV*

Dumaan ang ilang years ay nakahiligan ko ng mag basa ng libro.

Nagbabasa ako ng libro sa ilalim ng puno dito sa school.

Pasulyap sulyap rin ako kila Nam sa di kalayuan.

Naglalandian nanaman sila ni Kuya Lui tsk.

Magkaklase kami dahil pareho kaming kinuha na course.

Si Kuya naman ay nasa kabilang building lang.

Oo pareho kami ng school tatlo.

Syempre... Patay na patay si Kuya sakaniya.

Hindi ko naman alam na dito mag aaral si Nam at nang nalaman yun ni Kuya ay agad agad siyang lumipat dito.

Tskkkkkkkkkkkk.

Panay rin ang pagtingin ni Nam sa pwesto ko.

Ano ha? Ano.

Iniinggit ba ko neto na ako walang manliligaw?

"A-Ah!." Napaaray ako ng may tumamang bola sa ulo ko.

Ano ba yannn! Bat sa ulo paaaa.

"S-Sorry...sorry."

"Hoy!." Nabigla ako ng hinimas ni Nam ang ulo ko.

Si Kuya naman ay kinwelyuhan ang lalake.

Ang o-oa niyo.

"Okay ka lang ba?"

"Oo okay lang ako. Kuya bitawan mo siya, di naman sinasadya e." Utos ko.

"Mag sorry ka!." Nam.

"Tapos na siya mag sorry."

"Edi mag sorry siya ulit!."

Sinamaan ko ng tingin si Kuya para bitawan ang lalaki.

Na agad naman niyang binitawan.

Tumakbo ang lalaki.

Akmang hahabulin pa siya ni Nam ng pinigilan ko siya.

"Wag mo ng habulin. Okay na ko." Medyo nahilo lang..

"Sigurado ka? Bibilhan kita ng tubig." Pipigilan ko pa sana si Kuya Lui pero tumakbo na agad siya papuntang canteen.

"Kumusta ka?" Parang hinihigop ako ng tingin niya.

"Okay lang."

"Sigurado ka ha?" Hinaplos niya muli ang ulo ko.

Umiwas na ako para hindi na niya mahawakan pa ang ulo ko.

Mas lalo akong magkakagusto sayo niyan.

Oo naaaa.

May gusto ako sakaniya.

Pero dahil sa gusto siya ni Kuya, hindi ko na siya pinansin pa.

At nililibang ang sarili ko sa ibang bagay.

I Fell Inlove To A Girl(GXG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon